Eleven.

1K 24 1
                                    

Aiza's Point Of View

"Bench?" gulat na sabi ko nung makita ko siya sa harap ng bahay namin, naka-upo sa gilid ng kalsada.

Tumingala siya nung marinig niya ako at agad tumayo. "Aiza," sambit niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah." Kung hindi siguro sinabi sakin ni mama na nasa labas siya, hindi ko pa sana malalaman na andito nga siya. Akala ko nga nagbibiro si mama; pero andito talaga siya, kaharap ko.

Nagulat ako nung bigla niya akong yakapin. "Aiza, sorry."

Mas kumunot ang noo ko pero hindi ko siya tinulak. "Sorry? Para san naman?" pagtataka ko.

Humiwalay siya sakin at yumuko. Hindi siya nagsalita, hinawakan niya lang ang batok niya kaya alam kong nahihiya siya. Pero, para saan naman? Wala naman siyang ginagawa sakin.

"Bench," tawag ko sakanya kaya napatingin ulit siya sakin, "ano 'yun? Sabihin mo na."

Huminga siya ng malalim at tumayo ng tuwid. "Sorry sa pag-trato ko sayo nung mga nakaraang taon," sabi niya na kinagulat ko naman.

"Ha? Hindi mo kailangang humingi ng tawad," sabi ko. "Wala kang kasalanan."

Umiling siya. "Malaki ang kasalanan ko sayo, Aiza."

Napabuntong-hininga ako. "Kung meron man," sabi ko, "napatawad na kita."

Nagulat nalang ako nung sinabunutan niya ang sarili niya. "Aiza! Hindi mo ba nage-gets?" frustrated na tanong niya at napailing naman ako. "Gusto kong humingi ng tawad para makapagsimula na ako!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Makapagsimula sa ano?" pagtataka ko.

Napatiim-labi siya. "Magsimula na manligaw sayo!" sigaw niya at natahimik kaming dalawa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, o isasagot ko sa sinabi niya. Hindi maproseso ng utak ko na ang lalaking niligawan ko noon, ay gusto na akong ligawan ngayon.

"M-may topak ka ba?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Wala. Bawal bang manligaw? Ikaw nga, nanligaw eh," sabi niya kaya napasimangot ako.

"Ang tagal na nun," ani ko. "Hindi mo pa ba nakakalimutan?"

Umiling siya. "Hindi," sagot niya. "Ayaw kong kalimutan."

Hindi ko pinansin yung sinabi niya. "Bench, bakit ngayon pa? Halos isang taon na ang nakalipas ah."

"Alam ko," mahinang usal niya.

Napailing ako. "Alam mo, late na," usal ko. "Bukas nalang tayo mag-usap. May pasok pa naman bukas."

Mukhang nalungkot naman siya. "Pakinggan mo muna ako--mage-explain ako."

Napakamot ako ng ulo. "Bukas nalang, promise. Gusto mo sabay tayo mag-lunch?" tanong ko at bigla nalang siyang napangiti ng malungkot. "Oh, bakit?"

Napailing siya at napamulsa. "Naalala ko lang noon, nung lagi mo akong niyayaya na samahan kang mag-lunch," sabi niya at natahimik ako. Pinakinggan ko lang siya. "Ang gago ko lang. Yung dating iniiwasan ko, yun na yung hinahanap-hanap ko ngayon."

Saglit kong hinayaan na mag-sink in yung sinabi niya bago ako napangiti ng mapait. "Ganyan kasi ang mga tao: Tsaka lang pinapahalagaan ang isang bagay kapag wala na."

Napayuko siya sa sinabi ko. "Ang bobo ko para pakawalan ka ng ganun lang," malungkot na sabi niya at alam kong nagsisisi siya. Halata naman sa tono ng boses niya eh.

Tinignan ko ang lalaking nagnakaw ng puso ko. Sa halos isang taon na pagmo-move on ko sakanya, malaki na yung nagbago--sakin at sakanya. Hindi na ako yung dating Aiza na lagi nalang siyang hinahabol, sinusuyo, at hinahanap. Simula nung nag-usap kami, hinayaan na niya ako. Hinayaan niya akong buuin ko naman yung sarili ko. Pero kahit nasa malayo siya, alam kong nakamasid siya sakin kasi ramdam ko yung tingin niya at madalas nahuhuli ko siyang nakatitig lang sakin. And every time na nagtatagpo ang mata namin, lagi kong nakikita ang pagsisisi at pangungulila sa mata niya.

Gaya ngayon.

"Bench," tawag ko ulit sakanya. Tumingin siya sakin at ngumiti ako. "Bukas nalang. Kung gusto mo, sunduin mo pa ako at ihatid. Kahit tayong dalawa lang ang magkasama sa lahat ng breaks at free time, okay lang. Basta bukas nalang."

Ngumiti na siya. At napansin kong ito ang unang beses na ngumiti siya ng masaya after more than a year. How lang has it been--nineteen months? Yeah, that long since I last talked to him na hindi concerning projects of practice time. Nineteen months, I was lacking him in my life. And I missed him so much.

Because nineteen months without him wasn't enough for me to love him less.

"Sige," pagpayag niya. "Sunduin kita bukas. Sabay tayo mag-recess, at sabay din mag-lunch. Hihintayin kita pagkatapos ng Calculus class mo tas sabay tayong pupunta sa gym; tapos after school, punta tayo dun sa Tudok-Tudok. Gusto mo padin ba dun?" Natuwa naman ako dahil pansin kong sobrang na-excite siya. Ako din naman.

Tumango ako at ngumiti. "It's still my favorite place," sambit ko. Nagkatitigan kaming dalawa. "Well, good night. See you early in the morn?"

He grinned. "Bukas. Aagahan ko, promise."

Ngumiti naman ako at pumunta na sa gate namin. "Good night, Bench."

Ngumiti siya. "Good night, Aiza."

Isasara ko na sana yung gate namin pero tinawag niya ako. Tinignan ko siya at nakita kong nasa kotse na siya, pero nakababa yung bintana niya.

"Bakit?" tanong ko.

Ngumisi siya and my heart skipped a beat. "May nakalimutan ako."

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Mahal kita!"

Natulala ako. Hindi na ako nakasagot dahil nagmaneho na siya papalayo. Pero hindi ko na-control ang malawak na ngiting sumilay sa labi ko. Nilagay ko yung kaliwang kamay ko sa dibdib ko and felt my heart beat faster than normal.

Napatingin ako sa tinunguhan niyang daan at mas lumaki ang ngiti ko.

Then, I whispered in the wind the words I've been whispering to myself for nineteen months.

"Mahal na mahal kita, Bench."

THE END

----

Joke lang.

HAHA!

Please vote and leave your comments down below. Gusto kong malaman kung anong tingin niyo sa book na 'to. Thank you lots!

mswannabe

The Suitor (KathNiel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon