Ten.

1.2K 29 0
                                    

Aiza's Point Of View

Alam mo yung pakiramdam na gusto mo siyang kalimutan pero tingin ka naman ng tingin sakanya? Ganun kasi eh.

Kaninang umaga, pinigilan ko yung sarili ko na mag good morning text sakanya; pagdating ko sa school, pinigilan ko yung sarili ko na lapitan siya; kaninang English, hindi ko siya tinabihan; kaninang lunch hindi ko siya pinuntahan. Madali lang naman kasi siyang iwasan during classes dahil kasama ko si Marie at Johanna. Pero nung nag-practice na kami, medyo mahirap na. Monday ngayon so merged practice kami with the basketball team.

"Kaya mo 'to, Aiza," sabi ni Marie na hihintayin daw ako. Ngumiti siya. "Huwag monh sirain yung streak mo, ah?"

"Dapat kausapin mo siya," kontra naman ni Johanna at inirapan si Marie. Humarap siya sakin. "Mag-closure na kasi kayo! Mas dadali yung pagmo-move on kapag meron nun."

Napangiti ako ng mapait. "Bakit ko naman tatapusin ang isang bagay na hindi nagsimula?" sabi ko kaya napatitig sila sakin.

"Bakit mo kasi sinimulan ang isang bagay na alam mong hindi mo matatapos?" sabi ni Marie at tinaasan ako ng kilay.

Napabuntong-hininga ako. "Kasi kahit alam kong malaki ang posibilidad na hindi niya ako mamahalin, hindi naman ibig sabihin nun hindi ko na siya mamahalin pa ng mas malalim."

Natahimik na silang dalawa saglit.

"Oh, Marie," sabi ni Johanna at bumaling kay Marie, "anong bwelta mo?"

Napailing si Marie. "Naubusan ako ng quotes," sabi niya kaya napatawa silang dalawa at napangiti ako sa kabaliwan niya.

"Cheer, places!" sigaw ni Chelsea kaya naman iniwan na namin si Marie sa bleachers at pumunta sa pwesto namin.

Nagwa-warm up ang basketball team at malapit sila sa pwesto ko kaya nung tumingin ako dun out of habit, nagtagpo ang tingin namin ni Bench. Nagulat ako dahil hindi ko naman alam na nakatingin din siya sakin. Pero dapat alam ko na dahil simula nung pinakilala niya ako sa mama niya last week nahuhuli ko na siyang nakatingin sakin at madalas naga-attempt siya kausapin ako pero nagdadahilan ako lagi.

Ngumiti siya sakin at pinitik ako ni Johanna kaya napaiwas ako ng tingin at napairap sa kaibigan kong nakangisi na ngayon.

She gave me an innocent look kaya mas napairap ako. "Practice na daw," sabi niya at pumwesto. Hindi nalang ako sumagot at pumunta sa tabi ni Brail.

-----

Nasa sahig kami nina Brail dahil kakatapos lang ng third practice namin. Sobrang hinihingal kami na wala na kaming enerhiya na umupo.

"Akala k-ko nagbibiro s-si Chels nung s-sinabi niyang intense practice. Whoo!" sabi ni Brail at pumikit.

Napatango ako. "At break palang 'to," mahinang usal ko pero alam kong narinig niya ako.

"Gaga yun," natatawang sabi ni Brail, "balak atang baliin mga buto ko." Natawa nalang din ako at umupo na kami at sabay napangiwi.

"Ang sakin ng--"

"Para kay Aiza!"

Alam kong boses yun ni Shiloh kaya napatingin ako at sakto naman na na-shoot ni Bench yung bola kaya naghiyawan sila. Maski si Brail siniko ako at nginitian ng mapang-asar. Tumakbo si Bench at nagtagpo ang tingin namin. Nangabayo na naman ang puso ko nung ngumiti ito sakin at kumindat tsaka bumalik sa pwesto niya.

Okay. Para san naman yun?

"Ayiie," asar ni Chelsea na lumapit. "Kayo na 'no?"

Umiling ako at tumayo. "Hindi no. Biro lang ni Shiloh yun," sabi ko.

The Suitor (KathNiel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon