Six.

1K 25 1
                                    

The Suitor 

Aiza's Point Of View

"Go Beeench!" sigaw ko at sakto naman na tumalon si Bench at binato yung bola. Sigawan ang buong left side ng court nung nadagdagan na naman ng tatlong puntos ang team namin dahil sa mahal ko. "Grabe! Paos na naman boses ko bukas!"

Tumawa si Marie. "Okay lang yan! Para naman kay lalabs mo eh!" sabi niya kaya napatawa din kaming dalawa ni Johanna na nasa kabilang gilid ko.

"Buti nalang talaga hindi kami magchi-cheer ngayon," komento ni Johanna at napatango naman ako at bumalik ang tingin ko sa laro. Nakay Raffy yung bola.

Hindi naman talaga ako mahilig sa mga larong ganito--lalo na sa basketball. Nanonood naman si papa madalas kapag maaga siyang umuuwi pero hindi ko talaga nahiligan dahil hindi ko alam kung ano ba yung point na magtilian para lang ma-shoot yung bola sa basket, Pero syempre, nahilig nadin ako at halos kabisado ko na lahat ng rules sa basketball dahil kay Bench. Sa lahat kasi na laro niya, andun ako eh. Isa o dalawa lang ata ang hindi ko napapanood dahil sa Girl's Scout Camping namin noon.

Naghiyawan na naman ang mga tao nung naka-shoot si Drew. Maski ako napatalon din sa tuwa dahil mas lumalaki na yung lamang namin sa kabilang team. Nagulat ako nung napatingin sakin si Drew at kumindat pa. Ngumiti nalang ako at umiwas ng tingin tsaka ko hinanap si Bench.

Nadismaya naman ako nung makita kong nasa bleachers siya, kasama si Candice. Na naman.

Simula nung nag weekend outing kami at naging mag-partners sila, napansin ng marami na madalas na silang magkasama. Syempre, nung una hindi ako nakiki-ayon. Hindi ko naman kasi nakikita dahil sa sunod-sunod na training na ginagawa naming cheer. Pero nung nagka-free time ako at binisita ko si Bench sa gitna ng practice nila, nakita ko silang magkatabi at nagtatawanan. Syempre, lumapit ako at sumingit pero hindi ako pinansin ni Bench. Tsaka niya lang ako kina-usap nung sinabihan niya ako layuan siya dahil iniistorbo ko yung usapan nila ni Candice. Walang sabi na umalis ako nun at bumalik sa mini gym kung saan kami nagtre-training na cheer leaders.

That was three days ago. Pero hanggang ngayon, hindi padin kami nag-uusap. Ang pinagkaiba lang ngayon, ako yung umiiwas. Kagulat, ano? Alam ko--ilang beses nang sinabi ni Marie, Johanna, Raffy, at Shiloh. Maski si Greg nagtanong kung okay lang ba ako. At dahil best actress ako, ngumiti lang ako at tumango.

"Hindi mo ba lalapitan si Bench?" tanong ni Johanna sakin.

Umiling ako at pilit ngumiti. Napatingin ako kay Bench. "May kasama naman na siya. Hindi niya ako kailangan," sabi ko. Unti-unti ko nang nari-realize yun--na hindi niya ako kailangan. Hindi ko alam kung kailan ako nagkaroon ng lakas ng loob na iwasan siya, pero bigla nalang na kaya ko na. Kaya ko nang lumipas ang isang araw na hindi siya nakakausap, na nakikita ko lang siya. Siguro unti-unti nading natatanggap ng puso ko na wala na talaga. "Correction: never pala niya akong kinailangan." Umiwas ako ng tingin nung biglang nagtagpo ang mata namin.

Niyakap ako ni Marie patagilid. "Huwag ka nga munang magmukmok, friend!" sambit niya kaya napangiti ako. "Ang taas ng spirit ng mga tao oh! Huwag kang mag-emo dyan!"

"Tama!" sabi naman ni Johanna. "Mamaya ka nalang magmukmok. Sasamahan ka pa namin! Ano, Channing Tatum o Ian Somerhalder?" Hindi ko naiwasang hindi matawa sa sinabi ni Johanna kaya naman nag-apir silang dalawa.

"Ian Somerhalder," sagot ko at natawa kaming tatlo.

Nagsimula na ang second half ng game kaya bumalik na naman yung sigla ko. Kahit naman unti-unti na akong nawawasak sa loob-loob ko, hindi ko padin maitatanggi ang napaka-lakas na enerhiya ng buong court. Nadadala din ako sa mga hiyawan nila kaya naman kahit alam kong mapapaos ako kinaumagahan, sumigaw padin ako ng sumigaw. 

The Suitor (KathNiel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon