One.

1.4K 26 2
                                    

Present Time

August 2011

• • • • •

Aiza's Point of View

"Bench! Sige na kasi, please?" pang-apat na pilit ko kay Bench na hanggang ngayon -- na dalawang taon na akong nanliligaw sakanya -- napaka-pakipot padin niya! Walang nagbago -- maliban nalang sa fact na mas gumwapo pa siya.

Ngumiwi siya at inis na bumaling sakin. "Pwede ba, Aiza?! Tumigil ka nga!"

"Pumayag ka na kasi! Isang beses lang naman eh!" pagmamaka-awa ko sakanya at nag-puppy-dog eyes at pout pa. Pero, like every day for the past two years, walang effect sakanya.

Umirap siya at tumalikod. "No," sagot niya, aangal pa sana ako pero tinaas niya ang kaliwang kamay niya dahilan para manahimik ako.

Nakasimangot na pinanood ko siyang lumayo sakin at lumapit sa mga kaibigan niya na nag-uusap, hindi pinapansin ang kaibigan nila na si Bench. Eh sanay na din naman kasi sila na lagi kong kinukulit yung kaibigan nila eh. Ka-partido ko nga silang lahat eh -- maliban, of course, kay Greg na best friend ni Bench. Talk about bad luck.

Well, bad luck is better than no luck!

"Aiza, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Marie pagka-lapit niya sakin.

Yumuko ako at kinalma ang sarili ko tapos tumingala ako na naka-ngiti na. Sabihin na nating expert na ako sa pagpapanggap. Sa araw-araw ba naman na rejection sakin ni Bench, syempre masasanay ako.

Pero dahil best friend ko si Marie, she can see through my facade. Kaya mahal ko yan eh.

"Hm, alam mo na sagot dyan," sabi ko at pilit tumawa. "Ano, tara na? Library tayo."

"Hindi ka pa kumakain ng lunch," sabi niya na may pag-aalala sa boses niya habang yakap-yakap niya ang isang libro; Insurgent, second book in the Divergent series.

Umiling ako. "I'm okay, wala akong ganang kumain," sabi ko.

Tumaas ang kilay niya. "Ows? Kahit Italian?"

Alam talaga niya ang sasabihin. Hindi ko kasi matiis ang Italian cuisine eh, lalo na kung pasta o lasagna yan, nako! Kahit busog ako at kakain padin ako.

Ngumiti na ako. "Meron ka bang dala?"

Tumango siya at ngumiti. "Specially made by Chef Linguini."

May Italian restaurant kasi sila Marie, part ng business nila, and Chef Linguini is my favorite. Ang sarap ng luto niya, grabe. Tastes like heaven lagi ang mga luto niya.

"Okay, gutom na ako," sabi ko na kinatawa ni Marie pero hinila din niya ako papunta sa isang table sa labas ng cafeteria, malapit sa field namin.

Umupo kami na magka-harap at pinanood ko siyang ilabas yung paperbag niya at maglabas ng dalawang container -- isang lasagna at isang carbonara -- then spoons and forks, then small plates. Girl scout talaga 'tong babaeng 'to.

"Ba't ang dami?" tanong ko habang tinitignan yung lunch namin.

"Alam ko kasing made-depress ka na naman ngayong araw eh, kaya... ayan!" sabi niya.

Ngumiti nalang ako at kumain na. Of course, obvious na talaga na i-reject ako ni Bench. Ano pa nga ba ang bago, diba?

"Stop sulking," suway sakin ni Marie at inabot yung tinidor na kinuha ko naman, "and start eating!"

Natawa naman ako at nagsimula na kaming kumain. And, just like that -- thanks to Chef Linguini's lasagna and carbonara -- okay na ako.

-----------

The Suitor (KathNiel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon