Five.

1K 27 1
                                    

The Suitor

Aiza's Point Of View

"Ito! Bench, mas cute 'to, promise!" sabi ko at ngumiti ng malawak habang tinataas ang isang polo shirt ni Bench na nakita ko sa closet niya.

Nasa apartment niya ako, ginugulo na naman siya. Niayaya ko kasing siyang mag-date, at after three days, pumayag din siya kaya naman maaga palang ay andito na ako sa apartment niya, helping him pick a shirt.

"Ayoko nyan," sabi niya habang kumakain padin ng niluto kong palabok.

Sumimangot naman ako. "Eh, bakit mo binili kung ayaw mo?" tanong ko.

"Binigay sakin yan ni mama," sagot niya kaya napatango na lamang ako at binaba yun.

Tinaas ko yung white shirt niya at isang red flannel. "Oh, ito? Casual tignan tsaka hot mo."

Kumunot ang noo niya. "Ano naman kung hot ako? Kung ano-ano sinasabi mo, Aiza. Kababae mong tao, kung makapag-salita ka parang liberated," ani niya kaya napasimagot ako dahil ang sakit ng sinabi niya pero pinilit ko ang sarili kong ngumiti na lamang.

"Gusto mo neto?" tanong ko nalang at tumango siya habang titig na titig sakin. "Si-sige, teka."

Tumalikod na ako at napunta sa laundry room niya at nilabas yung pam-plantsa at nagsimulang i-plantsa yung damit niya. Nakita kong may bilog na nag-appear sa shirt niya at dun ko napagtanto na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko yung luha ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Ano ka ba naman, Aiza, hindi ka pa ba sanay?" sabi ko nalang sa sarili ko at pilit pinipigilan ang mga luhang gustong mag-racing. Dapat sanay na ako na ganun magsalita si Bench sakin--sorbang harsh. Kasi simula nung nagsimula akong manligaw sakanya, ganun na siya magsalita sakin. Kaya dapat sanay na ako. Pero syempre, hinding-hindi ko mapipigilan ang hindi masaktan.

Masakit kasi eh.

"Aiza?" rinig kong tawag sakin ni Bench at alam kong nasa may pinto lang siya. Pa-simpleng pinunasan ko ang luha ko at hinarap siya.

Ngumiti ako. "Um, ito na yung d-damit mo," sabi ko at alam kong nag-crack ang boses ko. Napalunok ako at pilit kong hindi tumingin sakanya. "Ilalagay ko nalang sa closet mo, ha?"

Naglakad na ako at nilagpasan siya at bumalik sa kusina. Kinuha ko lahat na nilabas ko na damit niya at nagpunta sa kwarto niya. Inayos ko lahat sa closet at alam kong nakasunod siya, pinapanood ako kaya mas naiiyak ako. Pero pinigilan ko na ngayon. Sinara ko na yung closet niya at lumabas ng room niya, pero alam kong nakatingin padin siya sakin habang inaayos ko yung bag ko na nasa sala lang niya.

"San ka pupunta?" tanong niya nung sinusuot ko na yung sapatos ko. "Akala ko ba lalabas tayo?"

Hindi ko padin siya tinitignan at tinatali yung sapatos ko. "Um, next time nalang. May projects pa ako eh," sabi ko tapos tumayo na. Hindi ko padin siya tinitignan. Naglakad na ako papunta sa pinto niya. "Um, sige, mauna na ako." Hindi siya sumagot kaya lumabas na ako at naglakad papunta sa elevator. Nasa fourth floor kasi ang apartment ni Bench eh.

Naghihintay ako sa may elevator nung may umakbay sakin. Tumingala ako at nanlaki ang mata ko nung makita kong andun si Bench, suot yung white shirt at flannel na hinanda ko at naka-akbay sakin. Mas lalong naiyak ako pero humarap lang ako sa saradong elevator at kinagat ang labi ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko.

"Lalabas tayo," sagot niya kaya napatingin ako sakanya.

Napalunok ako. "May mga pro--"

"Lalabas tayo," mas madiin na sabi niya sakin kaya naman hindi nalang ako sumagot at mabilis na pumasok nung nagbukas yung elevator. Sumunod naman siya at agad akong hinila papalayo sa tatlong lalaki na kasama din namin sa lift. Niyakap ko naman siya sa bewang ay sumubsob ako sa gilid niya at agad kumalma ang mga emosyon ko.

The Suitor (KathNiel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon