Flashback

3.4K 75 0
                                    

Vanna's POV

"You're the most beautiful thing that I have ever had." Nakangiti nyang sambit at hinalikan ako sa noo.


"I love you, Kyle." and I kissed him. He just smiled at me at hindi na naman sumagot.


"Let's go?" Tumayo naman ako at pinagpagan ang palda ko. Sabay naman kaming lumabas ng garden.


"Kyle? Mahal mo ba talaga ako?" Out of nowhere natanong ko siya habang naglalakad kami sa corridor dahil sa hindi niya pagsagot ng I love you ko kanina.


"Of course." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Napaka swerte ko na nga sayo, Vanna. Halos perpekto ka na nga, hindi ko tuloy alam kung deserve ba talaga kita." Aniya pa at umiwas na ng tingin.Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya at tumingin sa mga mata ko.


"Mahal kita, Kyle. Always remember that. Gusto ko na ngang ikaw ang mapangasawa k-"


"Masyado pa tayong bata para diyan." Biglang putol niya sa sasabihin ko at nag-iba naman ang tono ng pananalita niya.


"Kyle? Ayaw mo ba akong maging asawa?"


"Look, Van. Masyado pa tayong bata for that. Wag ka munang mag-isip ng ganyan."


"The heck Kyle! Alam ko kung ano ang sinasabi ko! I'm already looking forward to our future!" Medyo tumaas na ang boses ko. Bigla niya namang binitawan ang kamay ko at napahimas sa buhok niya.

"Ayan ka na naman eh! Yan ang problema sayo, Shavanna!Masyado kang matured mag-isip! Sa sobrang matured mo mag-isip hindi kita maabot! Masyado kang advance mag-isip to the point na nakakainis na!" Tumaas ang boses nito. Napakunot-noo naman ako. Ano bang matured pinagsasabi niya?


"What do you mean?" Buti na lamang wala ng tao sa corridor dahil nasa mga klase na sila at kaming dalawa na lang ang nandito.

"Ayoko na, Van. Gusto ko ma-enjoy ang pagiging bata ko. You know what? Sinasakal mo ako na halos pag-aasawa na agad nasa isip mo. Masyado kang advance. One more thing, puro kasinungalingan lang sinabi ko sayo. Pinagpustahan ka lang namin ng mga kaibigan ko. Panalo sana ako kung nakuha ko ang virginity mo pero masyado kang pakipot kaya ayoko na. Talo ako sa pusta puta." And with those words, he left me dumbfounded.

-End of flashback-

Napakagago niya. Napakawala niyang kwentang lalaki. Sobrang nagsisisi ako na sinagot ko siya noon. Mabuti na lang at hindi niya nakuha yung gusto niya sakin. I admit that I have loved him because I thought that our relationship was perfect kasi isa kami sa sikat na loveteam sa school noon. Turned out, pinagpustahan lang pala ako. Kaya pala kahit kailan hindi siya sumagot sa mga I love you's ko!

Mula noon hindi na ako nagseryoso sa lalaki. Iniisip ko kasi lahat sila ganon lalo na yung mga lalaking nasa age 20's below. Ang nasa isip lang nila ay mag enjoy, kaya siguro hindi nila magawang magseryoso. Dahil din diyan kaya medyo mas affectionate ako sa mas matanda sa'kin at hindi ko kaedad but not to the point na magseseryoso uli ako sa relationship. Masyadong matatag pa ang pader sa puso ko kaya imposibleng mangyari pa 'yon.

"Hey Shavanna. Andito na tayo. Tulala ka na naman." Napairap ako kay Megan at bumaba na ng kotse. Pumasok na kami ng bar. Hindi naman kami pinagbabawalan dito kahit underage palang dahil nga ang may-ari ng bar na ito ay tito ni Ann. Umakyat kami sa VIP room at nauna namang pumasok si Ann at naupo sa tabi ng lalaki! Seriously?! Wala talagang pagbabago sa babaeng ito! Nakita ko namang tatlo pala sila. Ganyan siya kaliberdad dahil sa minsang pags-stay niya sa US lalo na kapag school break.


Naupo nalang ako sa gilid ng couch at inumpisahang inumin yung margarita. Hindi ako mabilis malasing dahil sanay na ako sa inuman. Halos linggo-linggo ba naman kaming andito para lang mag-enjoy.


"Hey, sexy. Want some fun?"


"How old are you?" Tanong ko sa chinitong tumabi sa akin.


"24" Sagot nito at ngumisi.


"Exciting." Napangisi rin ako. Buti na lamang hindi niya tinanong ang edad ko. Hindi naman kasi ako mukhang 16. Dahil na rin siguro sa kurba ng katawan ko at sa itsura ko. Medyo matangkad rin ako kaya kung titignan ako ay mukha akong 19.


"However, I'm currently not available." Napasimangot naman sya. "Now get the hell out of my sight." Sabi ko rito at nginitian ito ng peke. Wala naman siyang nagawa kundi ang umalis. Buti naman at sumunod na lang ito sa sinabi ko dahil wala ako sa mood makipagharutan. Nasira na ang mood ko.


Napatingin naman ako kay Ann na nakikipagharuran na sa lalaki pati na rin si Megan pero hindi doon napukol ang tingin ko. Kundi doon sa lalaking umiinom at may nakakandong na babae sa lap niya!


Is that him? O baka namamalik-mata lang ako? OMG. He look so hot! Mygoodness! Hindi ko matanggal ang mata ko sakanya. Ngayon ko lang narealize na may itsura pala talaga siya! Hindi pala may itsura, gwapo pala talaga!



Napailing naman ako dahil inamin ko sa sarili ko na may itsura nga siya. How dare you, Mr. Vanierre.

Encounter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon