Weird Feeling

2.8K 63 0
                                    

Megan's POV

Hi there, babe! I'm MeganDA! Kidding! I'm Megan Shin. 16 years nang nabubuhay kasama ang mga magaganda kong sissy na sina Vanna at Ann.


"Hey Van, you okay?" Tanong ko kay Vanna na kanina pa wala sa sarili. "Madadapa ka niyan." dugtong ko pa at niyugyog ko ang balikat nya. Natauhan naman siya.


"May iniisip lang." Sagot nito na para bang ang lalim ng iniisip.


"Hindi lang yan maka move-on kagabi." Pang-aasar ni Ann. Napalingon naman sakanya si Vanna. Kapag itong si Ann talaga nasapok nitong si Vanna, ewan ko na lang. Ang daldal! Hindi kasi kasing pretty namin hmp!


"Tigilan mo ko, Ann." Inis nitong sabi at nauna nang pumasok sa canteen. "Haha pikon." Nasabi na lang ni Ann at sumunod na rin kami kay Vanna.


Nasa kalagitnaaan kami ng pagkain nang biglang magsalita si Ann "Ngayon ko lang narealize na talagang pogi pala talaga yung teacher natin ano? Sayang may biglang urgent meeting kanina, hindi tuloy nakapagstay ng matagal sa klase." Mabang aniya at sumubo ng pagkain.


"Oo pogi nga sya. Right, Van?" Pag sang-ayon ko pa. Tumango na lamang siya.


"Coincidence ba ito? O baka destiny mo talaga siya Van!!" Daldal na naman muli ni Ann. Wala talagang preno ang bunganga niya!


"Pwede ba, Ann? Utak mo kung ano-ano iniisip! Napaka-imposible. Atsaka tumigil ka at teacher natin iyon. Kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo ha." Sagot ni Vanna dito at ipinagpatuloy na ang pagkain ng spaghetti.


Tumahimik na lang ako at nakinig na lang sa kanilang dalawa.

"Anong masama doon? Duh!"


"Matanda na siya, bitch." Nakatanggap naman ng irap si Ann kay Vanna.


"So? Who cares? Age doesn't matter naman." Pag pupush pa rin ni Ann. Siraulo talaga ito!


"Ewan ko sayo at kung ano-ano pinagsasabi mo. Tara na at gagawa pa tayo ng mga activities." Ani Vanna dahil nga may urgent meeting ang mga teachers, iniwanan na lang nila kami ng mga gagawin. Tumayo na kami at sabay-sabay naman kaming bumalik sa classroom.


"Classmate pala natin si Tim sa subject na ito!" Pagpaparinig ko kay Ann, her ex. Irregular si Tim kaya sa subject lang na ito namin siya kaklase.


Tinignan niya naman ako ng masama "Get lost, bitch." Siya naman ngayon ang pikon. Ang lakas mang-asar tapos pag siya inasar, pikon din naman siya!

"Speaking of." Bulong ko kay Ann nang pumasok si Tim sa room.

"Hi, girls. Hi, Ann." Bati samin kaya ngumit lang kami habang si Ann naman ay inirapan lang ito. Napakabitter pa rin talaga hanggang ngayon.

"Umupo ka na lang Tim at manahimik please lang." Sabi pa ni Ann kaya napakamot na lang ito sa ulo at tumahimik na nga.

Vanna's POV

Natapos naman ang oras namin kakagawa ng mga activities.

"Sleep over tayo sa bahay namin." Suhestiyon ko. Lumapad naman ang ngiti ng dalawa.


 "Tara!!" Excited nilang sabi dahil biglang gusto ko manood ng movie.

"Yaya? Where's Dad and Mom?" Bungad ko kay Yaya Mill pagkapasok namin ng bahay.


"Out of town anak dahil may aasikasuhin daw kaya hindi na nakapag-paalam. Tinext ka naman daw nila." Kinuha ko sa bulsa yung phone ko at chineck. Ngumiti ako kay yaya. "Ah yes yaya. Ito kaka-receive ko lang pala. Thank you." Ngumiti naman siya."Oh siya sige na at magpahinga na muna kayo. Magluluto lang ako para sa hapunan ninyo."


Umakyat naman ako ng kwarto para magbihis. Agad ko rin pinuntahan si Megan at Ann sa kabilang kwarto. May kwarto kasi para saming tatlo dito sa bahay kasi madalas sila magpunta at mag overnight stay.


Naupo naman ako sa couch sa tabi ni Megan habang si Ann ay abala sa pagpili sa Netflix ng papanoorin. "Ito na lang panoorin natin!"  Turo ni Ann sa movie na napili niya.


"Sige 'yan na lang na The Last Love. Mukhang maganda naman." Pagsang-ayon ni Megan na nasa tabi ko lang.

Nang magsstart na ang movie ay agad ring tumabi samin si Ann. Umayos naman ako ng upo at tinuon ang atensyon sa palabas.


"Aw nakakaiyak. Ang panget palitan natin!" Nasa kalagitnaan na kami nang mag-inarte si Ann. Tinapik naman sya ni Megan sa balikat "Tumigil ka nga. Para kang tanga."


Bigla kong narealize na lumuluha na rin pala ako. Nakakadala ang flow ng story niya. Yung lalaki kasi may sakit at mas matanda siya sa babae. May age gap difference sila. Gusto ng lalaki na saktan ang babae dahil mas masasaktan ito lalo na kapag namatay siya at hindi niya kakayanin makita ang babaeng mahal na mahal niya na nasasaktan. Ang nangyari, gumagawa ng way yung lalaki para layuan siya ng babae. Nakikipag make out kung kani-kanino, umiinom kung saan-saan. All possible ways so that he can hurt the feelings of the girl. But still, sobrang mahal talaga siya ng babae to the point na alam niya ng harap-harapan syang niloloko pero tinanggap niya pa rin. Kaya sa huli lalaki rin ang sumuko. Sinabi niya ang totoo. Pero nangako ang babae na hinding-hindi sya nito iiwan at papabayaan.

Bigla akong napaisip. Weird feeling.


'What if kung ako ang nasa sitwasyon nung babae? Ano kaya ang gagawin ko? Kakayanin ko kayang i-let go ang taong mahal ko kung kailangan at kinakailangan?'


Biglang bumigat ang pakiramdam ko hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng ganito.

Encounter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon