Vanna's POV
"Hey, Van! Nakakapanibago ka ah! HIndi ka ba nage-enjoy?" Biglang sulpot ni Ann at tumabi sakin.
"Wala lang ako sa mood." Sagot ko nang hindi man lang siya nilingon.
"Sino bayang tinitignan m--" Napatutop naman siya ng bibig niya! OA ha! "You know him? Ang gwapo!"
Umiling naman ako. "Hindi rin." Kahit sa isip ko agree ako sa sinabi nito pero hindi ko na lang pinahalata dahil baka ano na naman ang isipin niya.
"Anong hindi?! Jusko! Makalaglag panty sis ang mukha!!" Napairap naman ako kay Ann.
"Lahat naman ng lalaki, napapalaglag ang underwear mo."
"Grabe ka ha! Virgin pa ako ha!!" Natawa naman siya sa sinabi nito.
Napaharap naman ako sakanya "Ang ingay mong babae ka."
Natawa naman siya "Easy bitch. Ito na lang. May dare ako sayo." Kumindat pa ang bruha!
"Megan, come here! Mamaya na yan." Mabilis naman na lumapit samin si Megan na abala kanina sa pakikipag-usap sa lalaki niya.
"Ano ba yun? Paepal ka naman, Ann! Siguraduhin mong mas importante pa 'yan sa buhay mo ha!"
"Kasi may ipapagawa ako kay Van." Taas-kilay niyang sagot kay Megan.
"Ano naman kinalaman ko diyan, aber?" Inis nitong sambit at binatukan si Ann.
"Aray ah." Gumanti rin ng batok si Megan! Ang gulo talaga ng dalawang ito. "Masaya to!" Pagtutuloy ni Ann nang makarecover sa batok ni Megan.
"Wag moko idamay sa kalokohan mo, Ann." Sabi ko at uminom uli ng margarita. Nanahimik ako dito eh.
"Aba first time mo tumanggi ah? Haha! Minsan lang ito kaya pumayag ka na!" Napairap naman ako dahil sa sinabi nito. Maya-maya'y nagsalita uli ito na siyang ikinadismaya ko!
"Seduce that guy." Sabay turo lang naman doon sa lalaking tinitignan ko kanina. Hmp!
"A-yoko nga! Nahihibang ka na ba?!" Pagtatanggi ko.
Ngumisi naman sya "Ipupusta ko yung Alpha Romeo kong sasakyan na kulay violet!" She backfired and winked.
"15,000, Van." Nakangising sapaw naman ni Megan! Nasapo ko naman ang noo ko! Bakit ko ba naging kaibigan ang mga ito!
Kung iisipin ang gandang deal iyon. Iniisip ko pa lang na mapapasa akin yung kotse ni Ann. OMG. Alam na alam talaga ng dalawang ito ang kahinaan ko hmp!
"Fine! Fine! Deal." Napairap ako. "Siguraduhin niyong tumupad kayo sa mga usapan ha!" Pagbabanta ko sa dalawa. Natawa sila pareho "Ayan ang gusto namin sayo palaban!" Inirapan ko na lang sila bilang sagot. "Wait! There's more! Para naman may thrill!" Kinabahan naman ako kay Ann. Nakakainis talaga 'tong babaeng ito!
"Ang dami mong pakulo, Ann!"
"Sige na! You just need to dance infront of him." Sabi na eh! Alam kong hindi maganda ang sasabihin niya!
Wala na ako nagawa! "Oo na!" at tumayo na ako para lumapit kela Mr. Vanierre.
"Go bitch! We're watching!" Habol pang sambit ni Megan kaya napairap na lamang ako bago tuluyang lumabas ng VIP room.
Bakit ba ako kinakabahan? Napailing ako at huminga nang malalim atsaka inayos ng konti ang mukha ko.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa pwesto ni Mr. Vanierre. Huwag niya sana ako isumbong sa parents ko sa gagawin ko!
"Hi. Mind if I join you?" Nanlaki naman ang mata niya nang makita ako.
"Who are you?" Mataray na sabi sakin ng babae na nakaupo sa lap nitong old man na 'to.
"I'm his girlfriend. Now get lost."
"Urgh." Wala naman itong nagawa kundi inis siyang tumayo at umalis.
Naupo naman ako sa tabi ng lalaking ito.
"What?" Tanong ko dahil nakatitig lang siya sakin. Hindi man lang ako sinagot. Wow, hangin ata kausap ko. Pero nung nakaraan, ang daldal niya!
"Stop staring." Lalagukin ko na sana yung tequila ng pigilan niya ang braso ko.
"Does your parents know about this?" Ayun nagsalita rin! Akala ko napipi na sa ganda ko! Hindi ko rin siya sinagot para quits kami. Inagaw ko sakanya yung braso ko at mabilis na ininom yung alak para mabawasan yung hiya ko. Tumayo naman ako sa harapan niya. Gagawin ko na yung dare sakin at baka makalimutan ko pa ang dapat kong gawin! Nagtataka naman yung mata niya habang pinagmamasdan lang ako sa kilos ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa kahihiyan!
"Just sit and watch me." Hinawakan ko siya sa balikat niya at nag-umpisa nang gumiling-giling! Wala na akong pakialam kung nakakahiya ang itsura ko!
Wala naman akong nakitang reaksyon sa mata niya! What?! Wala man lang ba akong epekto sa lalaking ito? Tss! Tinuloy-tuloy ko pa din ako sa pagsayaw ko kahit parang gusto ko na magpalamon sa lupa. Sinasabayan ko lang yung beat ng tugtog sa bar. Malakas na loob kong sinalubong ang mga titig niya.
"Are you done?" Napamulat naman ako sa sinabi nya.
"Grrr! How dare you Shitty-" Pinutol niya naman ang sasabihin ko "My name is Tyron, baby girl." Nakangiting aniya at kumindat pa ang loko! Argh ang kapal ng mukha!!