Vanna's POV
Nang makauwi ako ay tinext ko si shitty na nakauwi na ako dahil nakailang missed calls ito sakin!
Maya-maya pa ay may nagdoorbell na!
"What are you doing here?!" Gulat na gulat kong tanong! Mamaya makita siya ni manang! Mabuti na lang at wala sila mommy at may business meeting pala sa Baguio kaya hindi na rin nakapunta kahapon sa gathering.
"Damn! I was so worried about you when you told me that you're driving! You had my soul left for seconds!"
"Ano ka ba naman?! Matagal na ako nagdadrive!"
"I'm telling you. You're giving me a heart attact!"
"Relax. Ano ka ba naman. Andito naman na ako." Mahinahon ko ng sabi dito dahil halata talaga ang pag-aalala sa mukha nito.
"You go back inside the car. Mag aasikaso lang ako ng mabilis. You wait me there." Sabi ko kaya wala naman itong nagawa kundi sundin ako. Baka kasi makita siya ni manang, at baka kung ano ang isipin.
Mabilis naman akong nag-asikaso at agad ding pumasok sa kotse nito.
"Sorry." Biglang sambit ko rito at tinitigan siya na ngayon ay nakahawak ang kamay sa manibela. Sinalubong naman ng mga mata nito ang titig ko.
"D-ont make me worry like that again. You can ask me to pick you up whenever and wherever."
"Y-eah."
Umaliwalas na ang mukha nito at tumagilid para may kunin sa backseat.
"For you." Inabot niya sakin ang isang bouquet of tulips! TULIPS!
"P-ara saan naman 'to?" Pakiramdam ko pulang pula ako ngayon!
"Because you're gorgeous." Sagot niya. Nahampas ko naman ng mahina. "Wala namang connect sagot mo! Saan ba pala tayo pupunta?" Pagiiba ko ng topic para maiwas sa kahihiyan!
"I'll show you my condo. Just a few blocks from here."
Wala pang 15 minutes nang makapagpark na ito sa parking lot ng building ng condo niya. Nauna naman siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Naglakad naman kami papunta sa elevator.
"Anong floor unit mo?"
"5th." Sagot nito at siya na pumindot. Malalim na hininga ang binitawan ko dahil ang gulo-gulo ko ngayon. Biruin niyo naman dati inis na inis ako sakanya tapos ngayon bakit kasama ko siya na para bang wala lang nangyari? Napansin naman siguro nito ang malalim na paghinga ko.
"Are you okay?"
"A-h yeah." Nakangiting sagot ko at sakto namang bumukas na ang elevator. Nauna naman itong lumabas at sumunod naman ako. Mga nakailang hakbang lang kami nang huminto kami.
"We're here." Aniya at binuksan ang unit ay pinauna naman ako papasok. Namangha naman ako sa loob. Sobrang linis ng loob! Parang hindi lalaki ang nakatira!
"Sigurado ka bang unit mo ito?"
Natawa naman ito. "Have a seat." Aniya at naupo sa mahabang couch. Naupo naman sa tabi nito na may 1 seat apart naman.
Pinagmasdan ko ang buong paligid dahil nakakamangha sa sobrang linis tignan.
"You do really have such neat place." Nasabi ko.
"Thanks." Tinignan ko naman ito at parang nagsisi ako kasi nagsalubong ang mga mata namin! Titig na titig pala ito sakin!
"M-ay dumi ba ako sa mukha?!" Inis kong tanong dito na ikinatawa lang niya!