I. Alamat ng Wala

453 11 1
                                    



Noong unang panahon, may dalawang manlalakbay; nag-usap sila sa ilalim ng puno. Dahil doon sila namahinga matapos ang mahabang paglalakbay.


Parekoy #1:  "Pre, alam mo yung Alamat ng Wala?"  tanong niya.

Parekoy #2:  "Oo naman!"  sagot niya.

Parekoy #1:  "Talaga!?!"  tanong ulit niya.

Parekoy #2:  "Oo, ganito yan. Noong unang panahon, may dalawang manlalakbay; nag-usap sila sa ilalim ng puno. Dahil doon sila namahinga matapos ang mahabang paglalakbay."  sagot niya.

Parekoy #1:  "Ano pinag-usapan nila?"  tanong na naman niya.

Parekoy #2:  "Tinanong nung isa, kung alam niya daw ba yung Alamat ng Wala? Tapos sabi naman nung isa, oo daw."  sagot niya.

Parekoy #1:  "Uhmm. Eh ano ang meron dun sa alamat?"  tanong niya.

Parekoy #2:  "Wala."  sagot niya.



-W A K A S-

Mga Pekeng Alamat  #TWAAJulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon