Ang istoryang ito ay binubuo ng maraming salita. Tungkol ito sa isang hindi sikat na alamat. Ang tema nito ay Fantasy at Korny. Tinatawag ko itong "FAKORN"
Sa isang malayong kaharian, may isang prinsesa na hindi pinalalabas sa kanilang palasyo. Hanggang sa ang prinsesa ay sumapit na sa ika-18 taong gulang. tumakas siya.
Lumundag mula sa bintana ng kanyang silid, at bumagsak sa damuhan. (una ulo!)
Tumakbo siya papunta sa pintuan ng kaharian at inakyat ito na para bang umaakyat.
Tumakbo palayo sa kaharian at napadpad sa kagubatan. Na mayroong ka, gubat, at an (kagubatan)
Naligaw ang prinsesa sa loob ng kagubatan at siya ay naligaw. Gutom na ang prinsesa dahil tatlong araw na siyang hindi kumakain, mabaho na rin ito.
Kung makikita at maaamoy mo ang prinsesa, kaso nga lang hindi mangyayari iyon, siguro wag na lang talaga. Baka kasi maligaw ka rin. Okay, balik sa kwento.
Mabuti na lang may nakita ang prinsesa na puno na may bunga. Mukha itong prutas, ngunit hindi pang karaniwan. Pumitas ng isa, binalatan sa hindi ko alam na paraan, at kinain ang balat; ay mali...ang laman pala.
Nagsalita ang prinsesa sa istorya sa unang pagkakataon, (palakpakan!)
"Wow! Ang sarap parang suha!" sabi ng prinsesa.
-W A K A S-
BINABASA MO ANG
Mga Pekeng Alamat #TWAAJuly
Fiksi UmumPinakamataas na parangal: #1 sa kategorya ng Alamat [ika-walo ng Hulyo, 2018] Paalala: Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pekeng kuwento at kasaysayan ng mga bagay at pangyayari. Hindi pinapayuhan ang mga magbabasa na maniwala sa mga nakasaad...