IV. Alamat ng Bibe

307 5 0
                                    



Noong unang panahon, sa lawa ng wala ay may tatlong bibe na nakita. Kung sino ang nakakita ay hindi na iyon sobrang bibigyan ng kahalagahan. Kung bakit ay dahil ang bibe naman ang pangunahing paksa ng kuwento.


Ang salitang bibe ay nagmula sa Bi at Be na ang ibig sabihin ay sanggol o baby sa Ingles. Ang alamat ng bibe ay magsisimula sa lawa ng wala. Kung sino ang nakakita ay hindi na iyon sobrang bibigyan ng kahalagahan. Kung bakit ay dahil ang bibe naman ang pangunahing paksa ng kuwento.

Ulitin natin. Babaguhin na natin ngayon ang kasaysayan - kung saan nagsimula ang bibe, at kung paano sila nabuo.


Sa isang lawa na walang pangalan, makikita ang mga hayop na nakalutang at nagpapaanod sa agos ng lawa. Hindi pa sila nabibigyan ng pangalang ng Lumikha. Ang ibang mga hayop tulad ng aso, pusa, daga, iba't-ibang klase ng ibon at iba pa ay may pangalan na. Nang makita na nga sila ng Lumikha ay nagwika siya ng mga salita:

"Ang aking mga nilikha na ito ay wala pang pangalan. Kailangan ko mag-isip ng itatawag sa kanila."

Pagsapit ng ikatlong araw magmula nang makita ng Lumikha ang mga walang pangalang hayop, muli siyang nagbalik sa lawa na walang pangalan. Nagmamasid siya sa lawa at hinahanap ang mga hayop na iyon, subalit wala ang mga ito. Dahil dito ay naisip ng Lumikha na sumigaw ng:

"Mga bibe, saan kayo nagpunta? Mga bibe! Bibe! Bibe! Ooh! Bibe! Bibe! Bibe! Oh!"

Ilang sandali pa ay naglitawan ang mga hayop na kung tawagin ay bibe. Sila ay umahon galling sa tubig. Sa kanilang pag-ahon ay lumipad sila sa langit. Nagpaikot-ikot sila at saka bumaba sa lupa. Nang makababa ay kinausap ng Lumikha ang isa sa mga bibe:

"Saan kayo nagpunta?"

Sumagot ang bibe ng:

"Quack!"

Pagsagot ng bibe na iyon ay lumabas galing sa kanyang puwet ang isang puting bagay.

At dito na nga nagtatapos ang alamat kung saan nagmula at paano nabuo ang mga hayop na kung tawagin ay bibe.

Hanggang sa muli, paalam mga bata! Paalam!



- W A K A S –

Mga Pekeng Alamat  #TWAAJulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon