III. Alamat ng Hotdog

559 8 0
                                    



Isang mainit na araw ng Sabado. Habang kumukulo ang sikmura ng isang manlalakbay na kung tawagin ay Mang Bibo. Si Mang Bibo ay mag-iisang taon nang naglalakad sa disyerto ng Ehipto. Siya ay sakay ng isang matandang kamelyo na pinangalanang Baldog. Pareho silang matagal ng hindi kumakain at nakakainom ng tubig.

Sa gitna ng maalikabok na disyerto, ay naaninag ni Mang Bibo ang isang parisukat na gusali. May mga makukulay na ilaw ang kumikislap mula sa gusali na iyon.

Habang papalapit sila ay bumagsak ang kamelyo na si Baldog. Na siya rin naman ikinabagsak ni Mang Bibo. Nangilid ang luha sa mata ni Mang Bibo. Isang patak ng luha, dahil kapos na siya sa tubig sa katawan. Awang-awa si Mang Bibo at ayaw niyang iwanan sa gitna ng disyerto ang kanyang kamelyo. Kung kaya't hila-hila niya ito habang naglalakad papunta sa misteryosong gusali.

Nang makarating si Mang Bibo ay walang siyang nakita na kahit ano. Puro kaktus, at mga bungo lamang sa buhangin ang kanyang nadatnan. Naisip niyang namalikmata lamang siya. Sa sobrang init ng araw, ay unti-unting natunaw si Baldog. Ang kanyang dugo ay namuo. Ang laman niya ay umusok at naluto. At dahil sa nangyari, napilitan si Mang Bibo na tikman ang nalutong laman ng kamelyo.

Si Baldog ang kauna-unahang hayop na kinain ng isang tao - sa buong mundo!

Natagpuan ng isang grupo ng mga manlalakbay si Mang Bibo. Kanyang ikinuwento ang nangyari. At dahil sa kanyang karanasan, sinubukan ni Mang Bibo sampu ng iba pang manlalakbay na magsiyasat sa kalupaan. Sa karagatan, at himpapawid na humuli ng ibang hayop at subukang lutuin ang mga ito.

At dito na nga nag-umpisa ang pagkain ng tao sa mga hayop. At dahil din dito ay natuklasan ng tao ang pag-proseso ng mga pagkain galing sa laman ng hayop. Longganisa, Tocino...

Si Baldog ay maituturing natin na pinaka-unang Hotdog. 


- W A K A S -

Mga Pekeng Alamat  #TWAAJulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon