8: Save Me

55 2 31
                                    


"Don't wanna be lonely

Just wanna be yours"

~BTS(Save Me)


~~*~~

CALLIE

Napanganga kaming lahat nang makita namin siya. Pati ang mga babae sa tabi ko eh napabitaw sa pagkakahawak sakin.

Anong ginagawa ni Jungkook dito?

Totoo nga ba 'to? Namamalikmata lang ba ako?

Napalunok ako nang dahan-dahan siyang lumapit siya sa akin. Hindi ko na alam kung mabagal ba talaga siyang maglakad o dahil lang yun sa nagsslow motion siya sa paningin ko.

Tiningnan ko nang mabuti ang mukha niya at nakumpirma kong si Jungkook nga talaga siya.

Ang international playboy.

Ang golden maknae.

Ang Kookie ko.

Ang lalaking pinapangarap ko.

Hinahawakan niyang mahigpit ang kamay ko ngayon.

Ni hindi ko na yata kaya pang gumalaw sa kinatatayuan ko dahil sa halo-halong emosyon at pagkabigla.

Pero sa kabila ng lahat ng naiisip ko, may isang nanaig sa akin. Yung pakiramdam ko na safe na ako.

"Don't you dare try to touch her again, Kahlia." Seryoso niyang sabi.

"Kasalanan niya naman eh! Masyado siyang papansin."

Tignan mo 'to. Ako pa talaga ang papansin?

"Pwede ba, huwag kang manisi ng iba sa kasalanan mo."

Kita kong bumigat ang paghinga ni Kahlia. "Why are you defending that girl?!"

Bakit nga ba?

Nagkatinginan kami ni Jungkook.

" 'Cause she's not just a girl. She's special to me."

Nako Jungkook huwag kang ganyan at baka himatayin ako sa kilig. Special daw!

"WHAT?!" galit na galit si Kahlia. "Really?"

Inirapan siya ni Jungkook pagkatapos ay binulungan ako ng "Come with me." sabay hila sa akin palayo.

Sa gitna ng lahat ng confusion e binuksan niya ang pinto ng kotse niya at pumasok naman ako. Pinaandar niya ang sasakyan at nagdrive palabas ng school.

"Thank you." Ang unang nasabi ko.

Pero feeling ko lalo pa akong pag-iinitan nila Kahlia sa mga susunod na araw.

"I'm sorry Callie." sabi niya naman.

"Sorry po saan?"

"Before I proceed pwede bang wag mo na ako po-in? Parang ang tanda ko naman eh."

"Sorry saan?" pag-aayos ko.

"Dahil sa ticket na yun, napagtripan ka tuloy ng mga babaeng yun. It's my fault. Sorry." Nakapirmi ang tingin niya sa daan habang sinasabi yun.

Napanood niya. Ano kayang itsura niya nung pinanonood niya yun?

Nagiguilty pala siya dahil doon. Kaya niya ba ako pinagtanggol kanina?

Love, Army (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon