6: I Need U

76 4 26
                                    



  "Whatever I do, I can't help it

It's definitely my heart, my feelings"

~BTS(I Need U)



~~*~~

RORI

Good Morning Rori. Ingat ka papuntang school :)

Di ko mapigilang mangiti sa unang message na nabasa ko sa araw na 'to. Nakakagood mood naman si Taetae. Oo Taetae na ang tawag ko sa kanya. Mas gusto niya daw yun e. Ako naman ayaw niya na bigyan ng nickname dahil gusto niya na daw ang pangalan ko.

Nagreply naman ako sa text niya.

Good Morning Taetae. Salamat. Ingat ka din.

Sinimulan ko ang morning routine ko para magready sa school.

For the past weeks kaming dalawa ni Callie lang ang nasa bahay tuwing umaga. Maaga kasi noon umaalis si mama at ngayon naman e nagbakasyon siya kasama ang boyfriend niya. Ayos lang din naman sa amin. It's her time na maging masaya naman knowing the fact na puro kami ni Callie na ang inisip niya mula pa noong iniwan kami ni papa 15 years ago. Panahon narin siguro para makahanap siya ng totoong forever.

Nakaligo na ako't nakapagbihis pero si Callie nakahiga parin sa kama. Pansin ko nga these past few days parang wala siyang kasigla-sigla. Nakakapanibago. Balita ko nagkatampuhan sila ni mama about sa video na ipinost ni mama sa youtube na siya ang laman. Pero deleted naman na daw.

Baka naman may period lang siya kaya ganyan.

O baka sawa na siya sa luto ko tuwing umaga? Sa bagay ako din eh. Magsicereal na nga lang ako.

Nagulat ako nang pagbukas ko nung box ng cereal eh may maliit na Taehyung na naglalaro sa loob. Paano--?

Kinusot-kusot ko ang mga mata at nawala siya bigla. Eto nanaman ako. Puro Taetae kasi nasa isip mo Rori e. Crush ko na yata siya.

Habang kumakain naman ako ay nagmessage ulit si Taetae.

Nagbreakfast ka na? Anong kinain mo?

Bakit kasi ang sweet nito eh. Wag ka kasi ganyan. Baka mafall ako niyan e.

Pinicturan ko yung pagkain sa harap ko at sinend sa kanya. Kaso nang susubo na ulit ako, andun nanaman yung pocket-sized taehyung. Nakaupo siya sa kutsara ko at naghe-hello sa akin.

Kumurap kurap ako at naglaho siya ulit.

Pambihira naman Taetae oh.

Kailangan kong magising. Inhale. Exhale. Teka speaking of gising, si Callie pala andun parin sa kwarto.

"Bumangon ka na dyan, Taetae! Este Callie!"

Napasapo nalang ako sa mukha ko.

Buong araw kahit habang nasa school ako eh nakikita ko ang pocket-sized Taehyung na yun. Nakakabaliw na nga e. May Taehyung na nakadapa sa notebook ko habang naglelecture ako, merong nasa ibabaw ng blackboard. Yung classmate ko napagkamalan ko din na siya. Pati professor ko nga din nagmumukhang siya sa paningin ko. At heto, habang papauwi ako eh mukha niya ang nakita ko sa nagtitinda ng taho.

Love, Army (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon