14: Serendipity

51 1 0
                                    

"The whole world is different than yesterday
Just, just with your joy"

~BTS(Serendipity)

~~*~~

SYDNEY

"Ooh gusto ko 'to ah."

"Oo nga eh ipaframe natin 'to."

Nakatuon ang tingin naming dalawa sa camerang nakasabit sa leeg ko habang ninenext ko ang mga pics na kinuha ko sa laro nila.

Favorite ko talaga ang picture na 'to sa lahat. Ito kasi yung perfect timing eh. Nakatingkayad siya habang papasok sa ring ang bola.

Tinignan ko ang susunod na picture at ang ganda rin nito. Ipapakita ko sana kay Yoongi kaso napansin kong busy na siya sa phone niya.

Sumilip ako para tingnan ang ginagawa niya. Nakita ko naman ang picture ng koreana na labas na ang cleavage sa suot niya.

Aba.

"Sino yan?!"

Kumunot lang ang noo niya. "Ayan ka nanaman, seselos ka nanaman. Kalma."

"Eh paano, yung social media mo puro pictures ng babae. Sino ba namang hindi magseselos dun? Tapos ayan tingnan mo yung babae, labas na yata kaluluwa."

Hinawakan niya naman ako sa magkabilang pisngi.

"Alam mo, hindi naman ako nagfollow niyan eh. Yung manager namin. Para daw makitang friendly kami. Tsaka di naman ako titingin sa iba eh. Okay? Huwag ka nang maghysterical dyan. Nagkataon lang na ang nakita mo habang nagsscroll ako eh yung picture na yun. Wala rin akong time mambabae no, mas enjoy ko pa matulog."

Hindi ko napigilang mangiti sa sinabi niya.

"Yieeee kilig na yan",asar niya.

"Hindi no. Hindi mo ba talaga pwedeng iunfollow yun? Masyadong revealing yung mga sinusuot niya eh."

"Hinde. Sexy nya no."

Napakapang-asar talaga ng isang 'to.

Tinitigan ko siya nang masama. Kinukuha ko palang yung unan sa tabi ko nang maunahan niya akong mapalo nito sa mukha sabay takbo.

"Aray!", sabi ko na ginaya niya din with hand gestures pa.

Hinabol ko siya hanggang makarating kami sa kusina ng mansion nila.

Ang bilis nito tumakbo talaga eh, palibhasa maraming energy na naipon sa kakatulog niya.

Sa kalagitnaan ng habulan namin ay may lalaking nag-"ehem" kaya napahinto kami ni Yoongi sa pagtataka kung sino ang nagsalita.

Paglingon namin ay nandoon si Jimin at ang sama ng tingin sa amin. Bumalik siya agad sa kwarto niya.

Natulala si Yoongi saglit at ginrab ko na ang opportunity para mahampas siya ng unan sa mukha.

"Aw. Ang lakas nun ah."

CALLIE

"Dumiretso ka na sa klase mo, and stay out of trouble.",bilin sakin ni ate noong maghihiwalay na kami ng daan sa gate ng school.

Wish ko lang ate. Eh mula yata nung maging instant star ako eh walang araw na lumipas na hindi ako binwisit nila Kahlia. Buti nalang at Friday na, last day na niya ng pambubulabog sakin for this week, makakapagpahinga naman siya for two days.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, Army (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon