12: Stigma

55 2 26
                                    



"I've been hiding it

I tell you something"

~BTS(Stigma)


~~*~~

RORI

"Magandang Gabi!" bati nilang dalawa.

Habang tulala parin ako ay lumapit si Yeontan kay V. Tuwang-tuwa naman yung isa.

"Hi Yeontaaan! Namiss kita ah." niyakap niya yung aso at nilaro.

"Oh! May bisita pala tayo. Eh bakit nakatunganga ka dyan? Papasukin mo naman hoy!" Sigaw sa akin ni mama.

Medyo narattle ako. "Tuloy kayo." Sabi ko.

Ngumiti si Jungkook sa akin at nagbow nang bahagya. Sumunod naman si Taehyung na bitbit si Yeontan. "Hi." Kinindatan niya ako.

Ano bang pumasok sa isip nilang dalawa?

Anong ginagawa nila sa bahay namin?

Pinaupo sila ni mama sa sofa. Si Jungkook hindi makatingin nang maayos sa mama ko na nasa harap nila. Yung katabi naman niya eh excited na excited yung upo.

Sumulpot si Callie sa tabi ko.

"OMG! Kinikilig ako sheeeeet. Anong ginagawa ng asawa ko dito?" bulong niya.

Ang lalakas ng loob eh. Palibhasa hindi pa nila kilala ang mama namin.

"Sino naman kayo?"

"Jungkook po. Good evening." Nagbow siya na halos umabot na sa sahig ang ulo at tsaka inabot ang flowers na dala niya kay mama.

"Ah wawa. Akala mo siguro para sayo no." asar ko sa kapatid ko.

"Taehyung po tita." Inabot niya din ang flowers na hawak niya at tinignan ako nang nakakaasar.

TITA?! WOW HA.

"Teka, parang narinig ko na dati ang mga pangalan niyo. Oh anong pakay niyong dalawa? Maggagaabi na ah. Hindi ba kayo hinahanap ng magulang niyo?"

"Uh..." hindi makasagot si Jungkook kaya siniko niya si Tae at siya ang sumagot.

"Hindi po kami nakatira kasama ang magulang namin."

"Pero hindi po kami rebelde, required lang po talaga sa trabaho," Dagdag ni Jungkook.

"Aba bakit ilang taon na ba kayo?"

"22 po."

"20 po.

Ramdam ko na ang confusion ni mama kaya bumulong ako sa kanya at sinabi kung sino talaga sila.

"AH! Kayo pala yon!"

Ang lakas ng boses ni mama. Ninerbyos naman ako dun.

"Oh, ano ngang pakay niyo?"

Ang ineexpect ko eh medyo magiging humble si mama, at magiging nice. Pero ganyan talaga siya eh, wala na yata yang ikakalma. Kinakabahan tuloy ako, baka matakot sila eh.

"Gusto ko po sanang..." Napayuko si Taehyung.

"Ano?"

"Gusto ko pong ligawan si Rori."

Love, Army (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon