13: Spring Day

71 2 10
                                    


"I miss you

When I say that, I miss you more"

~BTS(Spring Day)


~~*~~

SYDNEY

"WOOOOOOHHH! BTS FOR THE WIN!"

Pinagtitinginan si Callie ng mga estudyante habang masigla niyang chine-cheer ang mga maglalaro. Agaw atensyon siya dahil pumapalakpak lang ang ibang mga studyante habang siya eh nakatayo sa tabi ko.

"Hoy umupo ka nga!" saway ng ate niya. "Mahiya ka naman."

Pero para bang wala siyang narinig. 

"Go Kookie! Fighting!" sigaw niya.

Napatingin si Jungkook at nang mahanap siya ay ngumiti ito at nagfingerheart.

Parang puputok na si Callie sa pula ng pisngi niya.

"Good morning everyone! It's such a priviledge than one of the most popular and talented korean boygroup is playing for us in this morning. Give it up for Bangtan Sonyeondan also known as BTS!"

Tumayo kaming dalawa ni Callie at nagfanchant. Wala akong pakialam kung sasabihin nilang ang papansin namin, pero kailangan kong suportahan ang team ng Yoongi ko. 

Pagkaupo namin ay rinig kong pinag-uusapan kami ng mga students pero dinedma nalang namin.

Hindi naman nasayang ang effort ko dahil nakita kong abot tenga ang ngiti ng baby ko.

"And of course fighting against BTS is our school representatives! Let's give then a round of applause!"

Pansin ang pagtahimik ng palakpak. Ang loloko ng mga studyante.

Sunod nilang inintroduce ang mga judges at referees ng laro. At ako naman, inadjust ko ang camera ko para makakuha ng magagandang shots ni Yoongi mamaya. It's been a year na yata noong last pa daw siyang maglaro. At first time ko siyang panunuorin.

Kinuhanan ko ng litrato si Taehyung na kusang natapatan ng camera ko.

Ang gwapo talaga nito eh.

I zoomed the picture. Malinaw naman. Actually sa sobrang linaw eh nakita ko ang nakaburda sa sweatband na suot niya.

"Rori tignan mo 'to", tinapik ko siya at pinakita yung nadiscover ko.

May nakalagay kasi na "RG" sa sweatband ni Taehyung. Medyo maliit lang at nasa bandang gilid kaya hindi kapansin pansin.

"Ano kaya yung RG?",tinusok ko yung bewang ni Rori. 

"Edi Rim Gaehyung!" -Callie

"Ang corny mo."

"Kunyari ka pa eh kilig na kilig ka naman."

Siguro kung hindi ko pinagitnaan ang magkapatid na 'to eh kanina pa sila nag-aaway.

Halos mapaos kaming dalawa ni Callie sa pagchecheer sa BTS. Lalo na shempre sa Yoongi ko na pinakamaraming nai-score sa mga kateam niya. Eh paano siya lang naman yata ang naglalaro ng basketball sa kanila.

"Grabe ate Syd. Ang hot nila kapag nakasuot ng Jersey tapos pinagpapawisan no," bulong ng katabi ko.

Nagmag-time out ay may napansin kaming tatlo.

Love, Army (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon