10: Danger

47 4 17
                                    


"We are like parallel lines

We look at the same place but are so different"

~BTS(Danger)


~~*~~

PIPER

"Andito na po."

As usual maaga sila ng 20 minutes sa sinabi kong time. Kailan pa ba ako masasanay?

"Papasukin mo na sila." sagot ko sa assistant ko. Narinig ko namang tinawag niya sila mula sa lobby.

Ang ingay-ingay.

Para silang mga batang nagtutulakan sa pagpasok.

Humilera silang pito sa harap ko. Napabungisngis yung assistant ko.

Why do they have to do this everytime?

Pagkita ko palang ay nagets ko na kung anong theme nila.

Kung bakit ba naman kasing kailangan pa nilang magbihis ng kung ano-anong matching outfits kapag ieexamine ko sila. Parang ewan. Masyado nilang pinaghahandaan. Akala mo may photoshoot silang pupuntahan. Sa ngayon nakabihis sila ng retro look na mala-90's ang dating.

Si Jimin ang unang lumapit sa akin para magpa-examine.

"Good morning Doctor Piper! Kamusta?" masiglang sabi niya habang nakafull smile sa akin.

"Good morning Jimin. Ready ka na ba sa iiinject ko sayo?"

"Po?!" Naghalong gulat ang takot ang nakita ko sa mga mata niya. "Uh...actually kailangan ko po munang mag-CR. Unahin niyo na po sila." Tumayo siya.

"Joke lang." sabi ko.

Takot masyado.

"Oh lapit ka." Utos ko sa kanya na sinunod niya naman na walang pag-aalinlangan."Nganga." Mahinahong pagkakasabi ko at inumpisahang icheck ang bibig niya. Pagkatapos noon ay inistretch ko ang mga mata niya at chineck ko rin.

"Nakikiliti ako doctor! Hihihi" natawa siyang bigla.

"Wag kang magulo, nawawala yung mata mo." Sabi ko.

Napakakukulit.

"Doctor pwede pakibilisan para makatulog na ako." –Yoongi

Wow minadali pa ako.

"Uy doctor ano naman 'to? Astig ah. Dito ba 'to? Paano ito gamitin? Ganito ba?....... Oops." –Namjoon.

Nakasira nanaman. Sakit talaga sa ulo.

Nang matapos si Jimin ay sumunod si Hoseok.

"AAAAAAAAAAAAA..."-sabi ni Hoseok habang todo nganga.

"Hindi na kailangan ng tunog." saway ko. Dinaig niya pa ang sirena sa lakas ng boses niya eh.

"Piper pwedeng bukas nalang ako? Hehehe." –Taehyung.

Napakagalang talaga ng isa na 'to. "Hindi pwede. Sige ka, sasabihin ko sa crush mo na ganyan ka kaduwag."

"Ang tagal mo naman dyan Hoseok kanina pa ako excited eh. Come on. Konting bilis." bawi niya.

Love, Army (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon