1: Coffee

264 17 47
                                    


"Baby baby, you're a caramel macchiato, 

Your scent is still sweet on my lips..."

~BTS (Coffee)


Love, Army

hopedindin

~~*~~

RORI

"I need you girl! Wae! Honsafudsufdshdsjalbyeolhae!"

Nagising akong nakadukdok sa study table ko dahil sa lakas ng boses ni Callie, ang nakababata kong kapatid. Nako nakatulugan ko na pala yung ginagawa ko.

"Hoy pakihinaan naman yang boses mo!" sigaw ko sa kabilang kwarto.

Maya-maya eh may kumatok sa pinto.

"Rori maaga pa pasok mo bukas. Wag ka magpuyat."

"Opo", sagot ko kay mama.

Pagtingin ko sa tabi ko eh nandun yung aso ko at nakatingin sa akin.

"Oh, antok ka na?" tanong ko sa kanya. "tulog na ba tayo, Yeontan?" I pat her head. "Mauna ka na, may tinatapos pa ako e."

Kinabukasan pagpasok ko sa school...

"Girl, mukhang konti lang naitulog mo ah. NagKdrama ka no." sabi sakin ng katabi kong si Sydney. Friends kami since last year. Siya ang tumutulong sakin na sumideline paminsan minsan. Nung summer ay sabay kaming namasukan sa isang coffee shop.

"Hindi,tinapos ko pa kasi yung project sa Comsci." sagot ko sa kanya.

Napairap si Syd sa akin. "Grabeng sipag mo naman. Next week pa yun ipapass."

"Eh para wala na ako masyadong iintindihin."

Actually medyo naiinis din ako sa sarili ko na ginawa ko yun lahat kagabi. Dahil antok na antok ako lalo na sa third subject namin. Kulang na nga ako sa tulog tapos napakaboring pa ng pagtuturo ng teacher namin. As in ang bagal niya magsalita. Muntik na akong magheadbang sa harap niya. Kaya naman nang magbreaktime eh nagtimpla ako ng kape sa cafeteria.

Kaya lang habang naglalagay ako ng mainit na tubig galing sa dispenser e muntik muntikan na akong mapasa. May nakabunggo kasi sa akin.

"Ay sorry" sabi niya.

Loko to ah. Buti hindi namantsahan yung uniform ko kundi lagot siya sakin.

Paglingon ko sa kanya eh nagpipeace sign siya habang natatakpan ang mukha niya ng hoodie na suot niya. Pero hindi parin natakpan nun yung napakaganda niyang ngiti. Parang ngiti ng isang anghel.

Halos makalimutan ko nang muntik akong mapaso dahil sa kanya. Ang gwapo kasi talaga at ngayon ko lang siya nakita sa school namin.

Nginitian ko nalang din siya.

Pagkatapos nun ay nagmadali siyang lumabas sa cafeteria.

Nako.

Baka budol budol pala yun ah.

Chineck ko yung bag ko kaagad. Wala namang nawala.

Ano ka ba Rori? Wala rin naman siyang makukuha sayo ano.

Tinuloy ko na yung paglalagay ng mainit na tubig at umupo sa isang sulok pagkatapos.

Papahigop na ako sa kape nang mabother nanaman ako dahil sa maingay na pagdating ng grupo ng mga babae na mukhang may hinahanap.

Love, Army (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon