Masaya at excited akong tumakbo papunta sa bakuran ng bago naming bahay. Habang sila mama at papa ay abala sa paglilipat ng mga dala naming gamit mula sa sasakyan papasok sa malaking pinto.
Bitbit ang paborito kong manika ay nangingiti kong pinagmasdan ang napakaraming tanim na bulaklak sa gilid ng bakod na kawayan.
Sa likod niyon ay mga naglalakihang puno ng mangga at iba pa. Ganun din ang ilang ligaw na halaman.
Halos wala akong matanawang ibang bahay. Tanging ang Ancentral House ng mga Buenevidez ang nakatayo sa parteng to ng kagubatan.
Kanina, pinaliwanag sa akin ni Papa na malawak ang lupang minana niya kay Lolo. At habang nasa sasakyan kami ay tinuro niya sa akin ang hangganan ng pagmamay ari na namin.
Hindi ko pa maintindihan kung gaano iyon kalawak. Basta ang alam ko ay may katagalan din kami bago nakarating sa tinatawag niyang bahay.
Matagal ng namana ito ni papa ng mamatay si Lolo. Pero hindi namin ito pinupuntahan dahil sa pagiging abala nila mama at papa sa trabaho sa Maynila. Naroon din ang buhay namin. Pero nagbago yun ng malaman nila mama at papa ang sakit ko.
Noon pa man, hindi na ko gaya ng ibang bata na masigla at makikitang naglalaro sa labas ng bahay kasama ang iba.
Parati akong nasa loob ng bahay dahil sa mahinang lagay ng katawan ko. Sakitin ako at tila ba naging parte na ng buhay ko ang ospital dahil sa parati naming pabalik balik doon.
Iyon din siguro ang dahilan kaya sobra kung magtrabaho ang mga magulang ko. Para masiguradong mabibigyan nila ko ng tamang atensyong medikal kung kinakailangan.
Habang lumalaki ako ay bahagyang bumubuti ang lagay ko. At miminsan nalang kung magkasakit.
Ang akala namin ay ayos na. Hinahayan na din ako nila mama na pumasok sa eskwela. Para magkaroon ng normal na buhay. Pero ng may gawing activity ang school namin ay saka muling bumigay ang katawan ko.
Naalala ko pa nun ng biglang sumakit ang dibdib ko at kinapos ako ng hininga habang nakikipaglaro sa mga kaklase ko.
Nakita iyon ng mga guro ko at agad nilang tinawag ang mga magulang ko. Nasugod din ako sa ospital at doon kinausap ng doctor sila mama habang nanghihina akong nakaratay sa kama.
Hindi ko alam kung anong sinabi ng doctor sa kanila. Basta ang malabong natatandaan ko ay nakita kong umiiyak si mama habang pilit siyang pinapakalma ni papa.
Gusto ko sanang puntahan si mama nun at yakapin. Pero walang lakas ang katawan ko. Nakita ko ding may kung ano anong nakakabit sa katawan ko at may mask sa harap ng bibig at ilong ko para bigyan ako ng hangin.
Ilang araw din ako sa ospital bago tuluyang umasyos ng pakiramdam ko. Sa mga panahong yun, laging nasa tabi ko si mama. Hindi na sya pumasok sa trabaho nya para lang alagaan ako.
Nakikita kong ngumigiti siya sa tuwing ipagbabalat ako ng mansanas o makikipag kwentuhan sa akin. Madalas nya din akong ipaghele hanggang sa makatulog ako.
Pero ang hindi nya alam ay naririnig ko ang mga hikbi niya kapag akala niyang tulog na ko.
Hindi ko alam kung paano siya nun tatanungin. At natatakot din akong makita syang umiyak kung sakali mang sabihin ko sa kanya ang alam ko.
Kaya nanahimik ako hanggang sa makalabas kami ng ospital.
Ilang linggo din ang nakalipas na nasa bahay lang ako. Hindi na nila ko pinapasok at sinabihang kukuha nalang sila ng magtuturo sa akin sa loob ng bahay.
Pagkatapos ay saka sinabi ni papa ang paglipat namin. Mula sa syudad papunta sa probinsya kung nasaan ang bahay at lupa na minana niya kay lolo.

BINABASA MO ANG
Game of Love [[[ ON HOLD ]]]
RomanceSofia Buenevidez is like a Princess. Sheltered. Innocent. At dahil sa isang pangyayari sa buhay nya ay kinailangan nyang lumipat at magsimula ng panibagong buhay malayo sa kinalakihan nya. Doon ay natagpuan nya ang dalawang taong naging bahagi ng...