Pagbalik namin ay agad naming nakita si Landon na naghihintay kung saan namin sya iniwan kanina. Halatang hindi pa din maganda ang mood nya base na din sa pagsasalubong ng kilay niya.
Kakawayan ko na sana siya ng may mga batang gaya namin ang tumawag sa kanya.
"De Silva!" Sigaw ng pinakaleader ng grupo. Maayos din ang pananamit ng mga ito. Hindi man sing rangya ng suot ni Zach ay mas maayos naman kumpara sa karamihan ng bata sa bayan.
Napalingon sa kanila si Landon at hinintay ang mga itong makalapit.
De Silva? Yun ba ang apelido ni Landon?
Napahinto ako sa pagiisip ng tumigil si Zach. At dahil sa hawak niya ang kamay ko ay napatigil din ako.
"Bakit Zach?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Bumaling nalang sya sa akin at tipid na ngumiti.
"Hintayin nalang natin si Landon dito. " sabi niya.
"Hindi ba tayo pwedeng lumapit sa kanila? " curious na tanong ko.
Hindi ako sinagot ni Zach at tahimik lang na tiningnan nya si Landon kasama ang iba pang bata. Kung kanina masama na ang mood ni Landon, ngayon parang mas lumala pa.
"Inaaway ba nila siya?" Sabi ko at nakaramdam ng galit para sa mga masasamang batang kasama ni Landon.
Hindi naman sila inaaway ni Landon ah.
Nakita kong nagsimulang lumapit ang iba kay Landon kaya agad agad kong binitawan ang kamay ni Zach at tumakbo palapit sa kaibigan namin.
"Fia!" Gulat na tawag sa akin ni Zach. Sinubukan nya kong habulin para pigilan pero naipit siya sa ilang taong dumadaan.
Agad naman akong nakalapit kay Landon. Protective na hinawakan ko pa ang braso niya na halatang kinabigla nya.
"Fia." Nasabi niya ng mapatingin sa akin.
"Inaaway ka ba nila?" Tanong ko kay Landon.
Narinig kong tumawa ang mga batang kaharap namin.
"Uy! Ano to? Pinagtatanggol ka na ng babae ngayon De Silva?" Pangaasar pa ng mga ito sa kanya. Nakita ko namang nagtangis ang bagang ni Landon. At halatang nagtitimpi lang siyang patulan ang panunukso ng mga ito.
"Mas matapang pa ata sya kumpara sayo." Nakangisi pang sabi ng isa at bahagyang lumapit sa akin. Kumilos naman si Landon para harangan ako.
"Ngayon lang kita nakita dito? Dayo? Kabago bago mo ay nakikialam ka." Sabi pa ng isa.
"Mukha namang may kaya ang pamilya mo." Sabi ng pinakaleader ng tingnan ang suot ko. "Hindi ka dapat sumamasama sa gaya niya. Halika. Kami ang magpapasyal sayo." Sabi niya at aktong hahawakan ang braso ko.
"Huwag mo syang hawakan!" Galit na sigaw ni Landon at tinabig ang kamay ng bata.
"Abat! Loko ka ah!" Sigaw nito at tinulak si Landon. Napasigaw din ako ng tumama si Landon sa akin at pareho kaming bumagsak sa lupa.
"Fia!" Narinig kong sigaw ni Zach kasabay ng pagdaing ko ng maramdamang humapdi ang kamay at braso ko sa pagkabagsak ko.
"Fia!" Natatarantang sabi ni Landon at nagmamadaling bumangon para alalayan ako.
Naramdaman kong naginit ang mga mata ko lalo na ng makita kong may mga gasgas at dugo sa kamay ko.
"Bakit mo siya tinulak?! Hindi mo ba kilala kung sino sya!" Galit na ding sabi ni Zach at hinawakan ang kwelyo ng batang tumulak sa amin ni Landon. Halatang nagulat sila ng makita siya.
BINABASA MO ANG
Game of Love [[[ ON HOLD ]]]
RomantizmSofia Buenevidez is like a Princess. Sheltered. Innocent. At dahil sa isang pangyayari sa buhay nya ay kinailangan nyang lumipat at magsimula ng panibagong buhay malayo sa kinalakihan nya. Doon ay natagpuan nya ang dalawang taong naging bahagi ng...