Chapter 4

159 23 1
                                    

"Malapit na nag fiesta,  hindi ba?" Tanong ko kela Zach at Landon.

Pareho silang napahinto sa paghuhugas ng mga kamay braso sa batis at tumingin sa akin. 

Naka-upo naman ako sa damuhang parte malapit sa kanila kasama si Dash.

"Oo.  Bakit?" Tanong ni Zach.  Habang bumalik sa paglilinis ng sarili nya si Landon.  Pareho kasi nilang inakyat ang puno ng mangga kanina.  Kaya narumihan ang mga damit at kamay nila.

"Gusto kong pumunta." Sabi ko sa kanila.

Kumunot ang noo ni Zach at bumaling naman ulit sa akin si Landon.

"Papayagan ka ba?" Tanong ni Landon.

Nagkibit balikat naman ako.  "Siguro."

"Malabo yan Fia." Kontra ni Zach.  Ginamit din nya ang naging nickname ko para sa kanilang dalawa. Umahon siya mula sa lampas binting tubig ng batis at lumapit sa akin.  Sumunod naman sa kanya si Landon at naupo sa magkabilang gilid ko.  "Masyadong maraming tao sa bayan.  Baka makasama sayo." Dagdag pa niya at inabot ang maliit na tuwalyang dala nila.

Napalabi naman ako.  "Matagal na kong hindi sinusupong ng sakit ko.  At ayon na rin sa doctor ko nung huling check up ko ay mas maayos na ang lagay ng katawan ko.  Kaya siguro naman ay hahayaan na ko nila mama at papa."

"Hindi ba yan din ang akala nyo noon ng basta ka nalang nahimatay sa dati mong paaralan?" Tanong naman naman ni Landon.  Gaya ni Zach pinupunasan nya na ang kamay at braso niya.

Matagal ko ng naikwento sa kanila ang dahilan ng paglipat namin dito.  Pero halatang pareho pa nilang natatandaan hanggang ngayon ang tungkol sa insidenteng yun.

"Hindi naman ako magpapagod.  Gusto ko lang talagang makita." Sabi ko pa. "Isa pa.  Ang tagal na namin dito. Pero kahit kailan ay hindi ako bumaba ng bayan para maki fiesta."

Nagkatinginan sila Zach at Landon, at halatang umiepekto na ang pagpapaawa ko.  Mukha kasing gusto nila kong isama kung hindi lang sa pagbabawal ng mga magulang ko.

"Bakit hindi mo sya ipagpaalam Zach." Sabi ni Landon.

"Uy!  Bakit ako?" Angal ni Zach.

"Ikaw ang kilala ng mga magulang nya.  At close naman ang pamilya nyo diba.  Kaya pag ikaw ang nagpaalam sa kanya ay baka pumayag sila." Paliwanag ni Landon.

"Oo nga!  Sige na Zach!  Please!" Sabi ko ng bumaling kay Zach.

Halos matawa ko ng mapasimangot siya.  Halatang namoblema din siya sa gagawing pangungumbinsi sa mga magulang ko.

Ilang beses pa siyang  ngatwiran at tumanggi sa amin .  Pero parati yung nasasagot ni Landon. At hindi rin naman ako tumigil sa pangungumbinsi sa kanya.

Maya maya ay napakamot nalang siya ng ulo.  "Sige na nga! Susubukan ko.  Pero huwag kang masyadong umasa Fia."

"Yehey!" Natutuwang sabi ko at halos yakapin ang braso niya.

Natawa naman sya habang natatawang napailing si Landon.

"Kasalanan mo to eh." Nangingiting sisi pa ni Zach kay Landon. Na bahagya namang kinatawa ng isa.

Ng umuwe kami ay inihatid kami ni Landon hanggang sa pader ng bahay namin.  Si Zach naman ang sumama sa akin sa loob.  Halos matawa pa nga ko ng makitang parang kinakabahan siya.  Panay pa ang pagtingin nya sa bahay na tila hinahanap ang mga magulang ko sa mga bintanang naroon.

Ng makapasok kami ay nakita namin sila Mama at Papa sa sala. Magalang na binati sila ni Zach.  Sandaling kinamusta ni Papa ang mga magulang ng kaibigan ko bago kami inanyayahang mag meryenda. 

Game of Love [[[ ON HOLD  ]]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon