May mga bagay talaga na hindi mo kailanman mababago.
Halimbawa nalang ay ang buhay ko.
Nalipat man kami ng tirahan. Naiba man ang nakapaligid sa amin ay hindi naman nagbago ang pangaraw araw na gawain ko.
I'm still trapped. Hindi man lang ako makapunta sa normal na paaralan para makapagaral. At walang pagkakataong makakilala ng maaring maging kaibigan.
I'm still alone. Dahil lang sa mahinang katawan ko. Pero hindi naman ako ganun kahina. Normal ang lakas ko, kaya kong gawin ang mga gawiin sa bahay kung hahayaan lang nila kong tumulong. Hindi na rin ako nagkakasakit sa loob ng tatlong taon na pananatili namin dito sa bago naming bahay.
Pero babasagin parin ang turing sa akin nila mama. Maging ang mga kasambahay namin naging ganun na din ang trato sa akin.
Naghire pa sila mama ng private tutor sa akin. At kahit anong pilit ko ay hindi na nila ko pinapayagang magenroll sa isang normal na paaralan.
Alam kong natatakot lang silang mangyari ulit ang nangyari noon. Pero halos nadiktahan na nun ang buhay ko.
Natuto rin akong mag piano dahil sa kakulangan ng magagawa at maging ang pagguhit ng mga larawan ay napagaralan ko na.
Muli akong napabuntong hininga at tinanaw ang labas ng malaking bintana kung saan ako nakaupo. Malaki naman ang pasimano kaya hindi ako natatakot na mahulog.
Tinanaw ko ang gubat sa likod ng pader na tinayo ni papa kapalit ng kawayang bakod dati.
Pero kahit wala naman ng butas doon ay pwede ko namang buksan ang maliit na pintong ginagamit ng ilang kasama namin sa bahay para pumunta ng gubat.
Mabuti nga at napakiusapan ko sila papa na payagan akong pumunta doon.
Sa una ay dyan dyan lang. Yung abot pa ang tanaw ng pader o ng bahay. Hanggang sa tumagal ay unti unti akong lumayo at makabisado ang gubat. Nakatulong din ang pagiiwan ko ng mga marka sa mga puno. Para alam ko kung saan ako dadaan.
Bukod dun ay kasama ko naman si Dash parati. Na ngayon ay isa ng malaking aso. Hindi na sya tuta at magagawa na nya kong protektahan kung may magtatangka man sa akin sa loob ng gubat.
Tiningnan ko ang nakahigang aso sa paanan ko. Maging sya halatang nababagot na.
"Dash. Mamasyal tayo. Dali!" Excited na sabi ko.
Mabilis naman tumaas ang tengga nya at ganun din ang ulo niya sa akin. At ng umalis ako sa pagkakaupo sa bintana at naglakkad papunta sa hagdan pababa ay mabilis nya kong sinundan.
Wala ngayon sila mama at papa. Dahil sa negosyong itinayo nila sa bayan. Mamaya pa ang balik nila kaya malaya akong makakaikot sa gubat.
Dumaan muna ko sa kusina para kumuha ng ilang pagkain na pwedeng bitbitin pagkatapos ay umalis na.
Ng makalabas ako ng bahay ay agad kong tinungo ang maliit na pinto ng pader at binuksan iyon. Sumunod sa akin si Dash ng lumabas ako at muli iyong isara.
Tila tuwang tuwang nagtatakbo ang alaga ko. Maging ako natawa habang pinanonood siya.
Tinahak ko ang daang nakabisado ko na sa nagdaang taon at tinungo ang isang lumang bahay.
Agad akong napangiti ng makita iyon at nagmamadaling kumatok. Hindi ko naman na hinintay na may magpapasok sa akin. Itinulak ko ng marahan ang pinto at pumasok. Pumasok din si Dash at nahiga sa tabi ng papag.
"Ikaw ba yan Sophia?" Mahinang tanong ni Tita Agatha. Nagsimula siyang umupo kaya dali dali kong binitiwan ang dala kong pagkain sa mesa at tumabi sa kanya para alalayan siya.

BINABASA MO ANG
Game of Love [[[ ON HOLD ]]]
RomanceSofia Buenevidez is like a Princess. Sheltered. Innocent. At dahil sa isang pangyayari sa buhay nya ay kinailangan nyang lumipat at magsimula ng panibagong buhay malayo sa kinalakihan nya. Doon ay natagpuan nya ang dalawang taong naging bahagi ng...