"Fia. Itigil mo na yan. Hintayin mo nalang ako doon." Saway sa akin ni Landon at itinuro ang lilim ng isang puno di kalayuan. Naroon ang mga sapatos namin at ilang gamit na dala namin kanina.
Itinigil ko ang pagtatampisaw sa malamig na tubig ng batis at sandaling tiningnan ang kaibigan ko. Abala naman siya sa paghuhugas ng kung ano doon.
Tahimik na sumunod ako sa sinabi niya at naupo sa lilim ng puno katabi ng nakahigang si Dash.
"Punasan mo ang mga paa at binti mo!" Sigaw pa niya. "Gamitin mo nalang ang tuwalyang dala ko." Utos pa nya.
Bumaling ako sa mga gamit nya at nakita ang tela doon. Inabot ko yun at kinuha. Pero natigilan ako ng may malaglag mula roon.
Dinampot ko yun at napangiti.
Nakita ko namang natapos na sa ginagawa nya si Langdon at nagsimula ng umahon. Nakangiti ko naman siyang hinintay.
Pagod na umupo siya katabi ko at sumandal sa katawan ng puno.
"Ang tagal naman ni Zach." Reklamo pa niya.
Dapat ay kanina pa nandito ang kaibigan naming yun. Pero halos magiisang oras na kaming naghihintay at hindi pa din sya dumarating.
"Baka may inutos sa kanya sila Auntie." Sabi ko.
Hindi naman sumagot si Landon at tumingin lang sa ilog.
"Landon." Pukaw ko sa kanya. "Ano to?" Tanong ko at ipinakita sa kanya ang hawak ko.
Kumunot naman ang noo niya ng makita ang nasa palad ko.
"Dice." Simpleng sagot nya at kinuha iyon sa akin.
Napalabi naman ako. "Alam kong Dice yan. Pero bakit meron ka nyan? May board game ka ba?"
Sandaling tila nagisip sya bago nagkibit balikat.
"Wala."
"Eh bat meron ka nyan?" Pangungulit ko pa.
Tila nangungunsuming nagbuntong hininga siya. "Hindi sa akin yan."
"Kanino? "
"Bakit ang dami mong tanong?"
"Bakit ayaw mong sumagot?" Ganti ko.
Tumaas ng bahagya ang isang kilay niya. Pero matiyaga akong naghintay ng sagot nya.
Maya maya ay siya na din ang sumuko.
"Kay James ang mga yan." Sagot niya.
"James?" Takang tanong ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang pangalang yun mula sa kanya.
"Nakikipaglaro ka pa din kay James?" Napabaling ako sa likod namin ng marinig ang boses ni Zach. Habang kampanteng sumandal lang si Landon.
Huminto si Zach sa tabi ni Landon at namaywang. Then he looked at him disapprovingly.
"Alam mong walang madudulot sayong maganda ang pagsama sa kanila." Kastigo pa ni Zach. Ngayon ko lang siya nakitang tila inis sa kaibigan namin.
"Anong problema?" Naguguluhang tanong ko. Hindi kasi ako sanay sa nakikita sa kanila.
"Wala." Mabilis na kaila ni Landon.
"Actually, meron." Sabi naman ni Zach.
Tiningnan siya ng matalim ni Landon. Pero imbes manahimik ay nagpatuloy lang sya.
"Tutal hindi ka nakikinig sa akin. Baka kay Fia makinig ka." Sabi pa nito bago tumingin sa akin.
"Zach." Babala ni Landon na inignora naman ng kaibigan namin.

BINABASA MO ANG
Game of Love [[[ ON HOLD ]]]
RomanceSofia Buenevidez is like a Princess. Sheltered. Innocent. At dahil sa isang pangyayari sa buhay nya ay kinailangan nyang lumipat at magsimula ng panibagong buhay malayo sa kinalakihan nya. Doon ay natagpuan nya ang dalawang taong naging bahagi ng...