Chapter 7

382 33 12
                                    

Mabilis na sinundan nila Uncle Nestor at Papa si Zach.  Habang hinila naman ako ni Mama sa kwarto ko.

"Dito ka lang muna Sofia. Huwag kang lalabas." Sabi niya at ramdam ko ang tensyon ng katawan niya.

"Bakit po?  Anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ko.

Ibinuka ni mama ang bibig nya pero agad ding itinikom iyon na waring nagdalawang isip sa pagsagot sa akin.

"Basta.  Magpahinga ka nalang o mas magandang matulog ka." Sabi pa niya.

"Pero si Zach po...." Nag-aalalang sabi ko.

"Sila papa mo na ang bahalang maghanap sa kanya." Sabi niya at hinaplos ang buhok ko. 

Pinapasok nya rin si Dash sa kwarto at hinalikan ang noo ko bago isinara ang pinto.

Kumakabog ang dibdib na umupo ako at inalala ang mga nangyari.

Matapos tumakbo ni Zach ay mabilis ding umalis ang mga bisita. Kasabay ng paghabol nila Papa sa kanya.  Sandali lang nagpakuha ng kapote at flashlight sila Papa at pagkatapos ay pinasok na ang gubat kasama ang ilan sa mga lalaking kasambahay namin.

Naging tensyonado ang lahat at pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan. Kahit hindi ko alam kung ano ang nagawa ko.

Tila sumikip ang dibdib ko at sinakop ng matinding pag aalala ang puso.

Alam kong may mali.  At alam kong may masamang mangyayari.  Kaya hindi ko magawang sundin ang utos ni Mama.

Hindi ko kayang magpahinga o matulog,  hanggat nasa gitna ng kagubatan si Zach habang bumabagyo.

Saan kaya siya pupunta? At bakit ganun nalang ang naging reaksyon niya.

Muli kong inalala ang mga nangyari at hinanap ang kasagutan. Inisa isa ko ang naging paguusap namin ng bisita hanggang sa tumigil ang isip ko sa isang partikular na ala ala.

Ang pangalan ni Landon.

Mabilis akong lumapit sa bintana at binuksan iyon. 

Mabilis na pumasok ang marahas na ihip ng hangin kasama ang ilang patak ng ulan.

Madilim na madilim ang kalangitan at sigurado ako na doble nun ang loob ng gubat.

Si Landon.  Sigurado akong siya ang pupuntahan ni Zach.

Kumabog muli ang puso ko at ng hindi ko na matiis ay mabilis kong tinungo ang pinto ng silid ko.

Lumabas ako at tumakbo papunta sa labasan.  Sumunod naman sa akin si Dash.

Narinig ko ang mahinang boses nila Mama sa may Dining Room.  Iningatan kong hindi nila ko makita at lumabas ng bahay.

Pero agad din akong napatigil sa labas ng pinto ng makita ang malakas na buhos ng ulan. 

"Fia?"

Napalingon ako sa boses ni Mama.  Gulat na nakatingin siya sa akin,  kasama si Aunt Agatha.

"Fia.  Anong ginagawa mo dyan.  Bumalik... " simula nya at mabilis ang hakbang na lumapit sa akin.

Alam kong pipigilan nya ko at muling ikukulong sa kwarto.  Nagpanic ang loob ko at bago ko pa maisip ang gagawin ko ay kusang kumilos ang mga paa ko para tumakbo pasugod sa malakas na bagyo.

"Sofia!" Sigaw ni Mama. 

Halos mapasinghap ako sa lamig na dulot ng ulan.  At naramdaman kong mabilis na nabasa ang suot kong damit.

Bahagya ding nanginig ang labi ko at nanlamig ang mga kamay ko.  Pero binalewala ko iyon at nagpatuloy. 

Tinungo ko ang gate sa likod habang mabilis din akong hinahabol ni Dash.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of Love [[[ ON HOLD  ]]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon