Napahinto ako sa paglalakad ko ng huminto din ang batang lalaki sa harap ko.
Pareho kaming hindi nagsalita o gumalaw man lang sa kinatatayuan namin.
Maya maya ay muli siyang kumilos kaya muli akong naglakad para sundan siya. Karga karga ko pa din ang tuta habang palalim kami ng palalim sa gubat.
Di nagtagal ay muli siyang huminto. Ganun din ako sa likuran niya. Nakita kong tumaas baba ang balikat nya. Indikasyon ng pagbuntong hininga nya. Pagkatapos ay hinarap niya ko.
Nakakunot ang noo niya ng tumingin sa akin.
"Sinusundan mo ba ko?" Tila inis na sabi niya.
Napakurap ako bago dahan dahang tumango sa kanya.
Lalo namang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya.
"Hindi ba at sinabihan na kitang delikado dito sa gubat? Kaya dapat ay umuwe ka na imbes na sumunod sa akin." Sabi pa niya.
"Hindi.... "Napahinto ako at napalunok. Kitang kita kasi ang pagkainis niya sa akin kaya parang kinabahan din akong magsalita. Hindi ko alam kung paano sasagot sa kanya.
"Hindi ano?" Tanong niya. Nakita nya ata ang kaba ko kaya bahagyang lumambot ang ekspresyon nya. Pero malayong malayo pa yun sa pagiging palakaibigan.
Napayuko ako sa tutang nasa mga bisig ko at bahagya pang hinigpitan ang pagkakayakap doon.
"H-hindi ko alam ang daan pauwe." Halos bulong ko at nanantyang tiningnan siya.
Halatang natigilan naman siya sa sinabi ko.
"Ano?" Di makapaniwala pang sabi niya. "Paanong hindi mo alam?"
Inakala niya sigurong isa ko sa mga batang nakatira dito kaya ganyan ang reaksyon niya.
Napalabi naman ako. "Kalilipat lang namin kanina." Maiksing paliwanag ko.
Napakurap naman siya bago muling kumunot ang noo niya.
Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan at tanging ang kaluskos ng mga dahong sumasabay sa ihip ng hangin ang naririnig ko.
Pinakatitigan nya din ako at nakita kong pinagmasdan nya ang suot ko bago muling tumingin sa akin.
"Kayo ang bagong dating." Konklusyon niya
Tumango lang ako. Naningkit naman ang mga mata niya. "Kung bago ka lang pala, bakit gumagala ka na dito?"
"Hinabol ko kasi ang tuta ko." Mabilis namang sagot ko.
Napatingin sya sa tutang hawak ko. Parang ngayon nya lang ulit naalala ang alaga ko. Muli siyang tumingin sa akin bago bumuntong hininga.
"Sige. Ihahatid nalang kita sa inyo. Pero kailangan ko munang kumuha ng tubig at ibalik sa bahay. " sabi niya.
Mabilis naman akong tumango. "Walang problema. " sabi ko at ngumiti.
Tila nangungunsumi naman siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Sinundan ko siya hanggang sa marating namin ang isang lumang balon.
Pinatabi niya ko sa gilid habang ibinaba niya ang baldeng nakakabit sa isang lubid sa ilalim ng balon. At ng magsimula siyang hatakin ulit ang balde pataas ay lumapit ako para sana tulungan siya.
Pero pinatigil nya ko at sinabihang maghintay lang. Kaya nanatili ako sa pwesto ko habang tila hirap naman niyang inangat ang baldeng may laman ng tubig.
Ng maakyat nya yun ay sinalin nya ang laman niyon sa baldeng dala dala nya kanina.
Pagkatapos ay muling binitbit iyon. Naglakad siya pabalik sa lumang bahay kanina at sumunod lang ako sa kanya. Hindi rin ako nagsalita sa takot na mainis siya sa kakulitan ko.

BINABASA MO ANG
Game of Love [[[ ON HOLD ]]]
RomanceSofia Buenevidez is like a Princess. Sheltered. Innocent. At dahil sa isang pangyayari sa buhay nya ay kinailangan nyang lumipat at magsimula ng panibagong buhay malayo sa kinalakihan nya. Doon ay natagpuan nya ang dalawang taong naging bahagi ng...