Sumasakit ang aking ulo,
Tila ba ito'y litong-lito.
Hindi malaman kung saan lulugar,
Itong damdamin kong mapang-asar.Sinubukan kong magpahangin,
Ngunit hindi ko pa rin pala matitiyak kung ako'y iyong iibigin.
Nararamdaman ko pa rin ang pagpintig ng aking ulo,
Ganito ba ang nararamdaman ng isang taong punong-puno?Punong-puno ng mga emosyong hindi mailabas,
Sa takot na baka ang aking pagiging malihim ay magwakas.
Tila ba malapit nang pumutok ang aking ulo,
Kakayanin pa ba nito hanggang dulo?Gusto ko na lamang iiyak ang aking nararamdaman,
Upang malaman kung saan ang aking hangganan.
Ngunit parang kulang ang pagpatak ng aking mga luha,
At kailangang humugot ng lakas, ngunit saan nga ba kukuha?Hindi mawari kung anong masakit,
Ang isip ko bang nagtatanong ng napakaraming bakit?
Ang puso ko bang punong-puno na sa sakit?
O ang katawan kong nakikitalo kung ako ba'y bibitaw o kakapit?Hindi na mawari ng aking ulo kung ano ba ang nangyayari,
Parang lahat na yata ng sakit ay samut-sari.
Parang gusto na yata muna nitong mamahinga,
Sa pagmamahal sa taong hindi naman mapapasakanya.
BINABASA MO ANG
To My Brightest Star
PoetryTo my brightest star, These thoughts and poems are all for you.