TAYO

18 1 0
                                    

Magsisimula ako sa pinaka-una.
Ngunit saglit lang, wala palang "TAYO" kaya paano ako magsisimula?
Nahihibang lang pala ako sa imahinasyon ng salitang "TAYO",
Dahil ang totoo ang mayroon lang pala ay "KAYO."

Sa tuwing nakatingin ka sa kanya,
Iniisip ko na sana ako nalang siya.
Sana ako nalang ang may hawak ng mga kamay mo,
Sana ako nalang ang mahal mo.

Ngunit nakita ko na may ngiti sa iyong mga labi,
Mga ngiti na kailanman ay hindi ko nasilayan,
Dahil alam ko namang siya ang tunay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan.
Mahal, dapat nga ba akong masaktan?

Dapat ba akong masaktan sa tuwing nakikita ko kayo?
Dapat ba akong masaktan sa tuwing gusto ko nang lumayo?
Dapat ba akong masaktan dahil sa iyong tunay na nararamdaman?
Dapat ba akong masaktan lalo na't alam ko namang wala akong karapatan?

To My Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon