Paano nga ba?

11 0 0
                                    

Hindi ba dapat kinilig ako noong napatingin ako sa'yo?
Hindi ba dapat nasiyahan ako sa mga sulyap mo?
Ngunit bakit mas lalong nasasaktan ang puso ko?
Bakit mas lalong nadadagdagan ang mga sugat nito?

Ganito yata kahirap ang pag-iwas,
Lalo na kung ang iyong puso na ang kusang nagpupumiglas.
Paano nga ba iiwasan ang taong gusto mo na?
Ilang beses ko nang pinilit pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

To My Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon