Sana matapos na ang sakit na nararamdaman ko.
Sana makalimutan ko na ito.
Sana hindi nalang ikaw ang minahal ko.
Sana hindi iyon nangyari at hindi sana humantong sa ganito.Sana hindi nalang ako sumama at kumain sa tapsilogan.
Sana hindi nalang ako tumingin sa iyong kinauupuan.
Sana hindi nalang sumulpot ang batang iyon,
Nang sa ganoon ay hindi mo kami kinailangang ipagtanggol.Sana hindi nalang ako nakinig sa kanyang mga sinabi.
Sana hindi nalang ako nagpadala sa ngiti na nakaporma sa iyong labi.
Sana kinausap ko na siya at ang galit ay isinantabi.
At sana ay hindi ko na pinatagal pa dahil ang naramdaman ko sa iyo'y lumalim.Sana hindi nalang ako tumingin.
Sana ibinaling mo na rin sa iba ang iyong tingin.
Sana hindi ako umasa sa mga bagay na wala namang ibig sabihin.
Sana nagpigil nalang ako at hindi ito pansinin.Sana naghanap ako ng iba.
Sana hindi ako nagpadala sa kaba.
Sana naniwala ako sa pagkahulog ko na nakaamba.
Sana hindi nakaramdam ng kakaiba.Sana tuluyan na kitang binura sa puso ko.
Sana ngayon hindi na naiwan ang puso kong sugutan at nagdurugo.
Sana hindi na kita ipinaglaban.
Sana ngayon hindi ako nasasaktan.Sana, sana, sana.
Bakit ba puro ako sana?
Wala namang mababago ang mga sana ko.
Kung noong una palang ay ako na ang kusang lumayo.
BINABASA MO ANG
To My Brightest Star
PoetryTo my brightest star, These thoughts and poems are all for you.