Chapter One: Baka matunaw.

83 4 0
                                    

Chapter One: Baka Matunaw.

Doreen‘s POV

 

Hello. Ako nga pala si Doreen Lim. Bukod sa pagiging produkto ng broken family eh, tinititigan ko ngayon si crush! Ayun oh! Nagi-skate!

 

“Huy Doreen, kung makatitig ka naman dyan eh! Baka matunaw.“ Tumayo si Case sa harapan ko.

 

“Ano? Tawagin ko na ba? Para naman malunasan yang kabaliwan mo?“ Tumawa siya ng malakas at tinawag si crush. “EREN!“

 

Lumingon siya sa amin at ngumiti. *blushes* Tumayo ako bigla at kinuha na yung bag ko. Naglakad ako ng mabilis papunta sa classroom at syempre, sinigawan ko rin si Case.

 

“May araw ka rin sakin Cata Alexandria Stefanie Eis.“

 

“You're welcome! Antayin ko yan ha? Labyu!“ Sigaw niya pabalik sakin habang pinapanuod parin yung mga nagi-skate.

 

Pagkarating ko sa classroom, nilabas ko kaagad yung binabasa kong novel at nagkunwaring busy. Para hindi halatang apektado.

 

May narinig akong paghila ng upuan papunta sa harapan ko kaya inangat ko ang tingin ko ara makita kung sino yun. Si Ethan, barkada namin ni Case.

 

“Mukhang ang seryoso natin ngayon ha?“ Tanong niya na hindi mo alam kung nagtataka ba o nang-aasar.

 

“Sus! Kunyare nagbabasa para kunyare busy. If I know, hindi parin yan makaget-over dun sa nangyari kanina.“ Inilapag niya yung bag niya sa tabi ng upuan ko.

 

Timing ni bestfriend oh. Pang fammas!

 

“Walangya ka talaga, Case! Nakakahiya yun!“ Itinakip ko sa mukha ko yung libro.

 

“Bakit ka mahihiya? Eh, siya yung human version ng Keep Out Of Reach Of Children.“

 

“Oo na. Matagal ko ng alam yan. Third year siya, second year lang ako. Nasa Elite class siya, samantalang nasa regular section lang ako. Alam ko na yan! Matagal na yan.“ Sabi ko na talagang nawalan ng pag-asa.

 

“Wag mo namang kalimutan na first section tayo sa regular kaya sumusunod lang tayo sa kanila.“ Sabi ni Case.

 

*fake coughs*

 

Tinignan namin kung kanino galing yun. Kay Ethan.

 

“Nandito pa ko.“ Sabi ni Ethan na halatang nawala na sa flow ng kwentuhan namin ni Case.

 

“So, gwapo ka na niyan?“ Sabi ni Case kay Ethan na may taas kilay effect pa. Lumingon na siya sa akin sabay sabing. “Magpapapansin ka sa kanya.“

Just Another Failed Love Story :|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon