Chapter Two: Sinong panget?

58 4 2
                                    

Chapter Two: Sinong panget?

Doreen‘s POV

 

Lumipas ang ilang araw na paulit ulit yung ginagawa namin. Si Case na ibubully ako, pati narin pala si Ethan. Bagay sila eh. Mga gawain nila. Tsk.

 

Hindi namin napansin na campaign week na pala. Tinutulungan nila akong dalawa na gumawa ng flyers or rather, tinutulungan kami ni Ethan dahil running for representative din si Case.

 

Ang ingay nga nilang dalawa eh. Gaya ng ganito.

 

“Hoy panget.“ Sabi ni Case kay Ethan. “Yung coupon nga. Ta, mag-gugupit pa ako.“

 

“Panget, dali na!“ Hindi pinapansin ni Ethan si Case. “Dali na kasi.“

 

“Ethan daw. Yung mga coupon daw.“ Tinapik ko si Ethan sa may braso.

 

“Ha? Sinong humihingi?“ Sa akin lang nakatingin si Ethan.

 

“Oy, yung coupon na ah! Sinasayang mo oras ko.“ Naiirita na si Case.

 

“May nagsasalitang multo! Hindi alam ang pangalan ko. Konting pasintabi naman dyan at tawagin mo akong gwapo.“ Nag-rap si Ethan. EHMEGED! Trying hard. Hahaha!

 

Halatang nainis na si Case. “Ako nalang ang kukuha.“ Sabi ko at iniabot ko na sa kanya yung coupon.

 

Dinilatan niya si Ethan. Syempre hindi nagpatalo si lalake at nag-rap ulit.

 

“Ano yan? Ano yan? Ikaw ba‘y nahihirapan? Ang itago ba ang dila mo‘y hindi mo magawan ng paraan? Halika dito at ako‘y iyong lasahan.“ Sabi ni Ethan. Nagtinginan kami at tumawa ng malakas.

 

“Walangya naman Ethan oh! Ang manyak manyak mo! Gusto mong dilaan ka ni Case?“ Tahimik lang si Case na nagtatrabaho.

 

“Bakit? Gusto mo ba ikaw? I wouldn't mind at all.“ Pinalo ko siya sa legs. Sa sobrang lakas ng pagkakapalo eh, natawa si Case.

 

“Yan. Yan ang bagay sayo. Gwapo raw. Tss.. ang gwapo ng legs mo fren!“ Sabi ni Case at nagtawanan nalang kami.

 

Andito pala kami ngayon sa sala ng bahay namin. Naghahanda ng mga kakailanganin bukas. Start na kasi ng campaign.

 

“Doreen, tinext na nila ako sa bahay. Mauna na ako ha? Pwedeng ikaw nalang rin ang magdala ng mga flyers ko?“ Sabi sakin ni Case na ineexpect na ako ang magdadala talaga.

 

“Oo na nga. Ako na, nagpapacute ka pa dyan.“ Sabay tawa ko sa kanya.

 

“Thank you. Thank you!" Niyakap niya ako atsaka pumunta na sa may pintuan. Tumigil siya na parang may nakalimutan.

 

“Ethan, hindi ka pa uuwi?“ Tinignan niya si Ethan.

 

Tumingin naman sakin si Ethan at humarap kay Case. Lumingon ulit siya sakin.

 

“Ah, Doreen. Sabay na pala akong uuwi kay Case. Kailangan niya raw kasi ng gwapo na mage-escort sa kanya.“ Sabay kindat niya kay Case.

 

“Ugh. Wag na nga. Kadiri ka. Tae ka.“ Sabi ni Case at lumabas na ng pinto.

 

“Don't push yourself too hard, ok? Bye, Doreen.“ Ginulo niya yung buhok ko at sinundan na Case sa labas.

 

Rinig na rinig ko yung pagbabangayan nila dito sa loob ng bahay.

 

“Ang ingay talaga ng dalawang yun. Hahahaha. If I know eh, may gusto na sila sa isa‘t isa.“

 

Tumawa nalang ako at bumalik na sa paggugupit ng mga ipamimigay namin bukas.

 

“Sana naman may isang miracle na mangyare!“

 

Biglang nag-vibrate yung phone ko. “Asan na yun?“ Hinanap ko. Nasa ilalim ng unan ni inupuan ni Case kanina.

 

From: Unknown #

Goodluck sa campaign niyo bukas ha? I'm rooting for you.

-End of message.

 

Shocks! Sino to? Thank you. Kung sino ka man. Malas ta wala akong load. Hahaha. Bahala na nga.

 

Basta ang alam ko, maraming mangyayari bukas.

 

                                                                   ↭

Ayan! Pasensya na kasi masyadong maikli itong chapter na to pero part talaga yan ng story. I swear. Maraming maraming salamat sa pagbasa ninyo :D

(c)Prettywasteoftime.

Just Another Failed Love Story :|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon