Chapter Four: Mahiwagang papel.

60 6 1
                                    

Chapter Four: Mahiwagang papel.

Doreen's POV

Hindi talaga ako makaget-over sa text message ni crush sa akin kagabi! Halos mamemorize ko na yung text sa kakabasa. Tinignan ko ulit yung cellphone ko, Nagbabaka-sakaling may matanggap ulit na ligaw na text galing sa kanya.

"Naku Doreen, obsession alert." Ika ni Case. Umupo siya sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa damuhan kaya parang ang presko ng scene.

Andito pala kami ngayon sa may covered court para bantayan yung Class 2-G sa quiz nila. Ang swerte nila ha? Kami ang nagbabantay sa kanila. Kitang kita na yung mga nagkokopyahan pero hindi na namin sinisita, maliban lang kay Ethan.

"Nagkokopyahan na sila oh." Sabi ni Ethan sa aming dalawa but Case waved her off.

"Ikaw naman Ethan, hayaan mo na sila. Parang tayo hindi nagkokopyahan ha?" Sabi ni Case kay Ethan.

"Eh, ikaw lang naman ang kumukopya sa amin." Ethan stuck his tongue out.

"Aw, panes! Sakit nun bestfriend! Kung ako yung pinagsabihan nun ay, bubugbugin ko na yan!" Pangaasar ko kay Case.

"Aba't lumalaban ka na ha? Gusto mo atang matamaan sa akin ngayon?" Tumayo si Case at nilapitan si Ethan. Iniangat na ni Case yung nakakuyom niyang kamay para suntukin na sana si Ethan kaso nung sumuntok si Case eh, hinawakan ni Ethan yung kamay niya at hinawakan rin ng isa niyang kamay sa baywang si Case para isayaw.

"Sino kaya ang tatamaan sa atin ngayon?" Kinindatan ni Ethan si Case.

Naghiyawan ang Class 2-G sa palabas nila Case at Ethan.

"Ethan! Stop. Akala mo gwapo ka? Di kita type. Kadiri ka." Tinulak niya si Ethan na tawa ng tawa. Pati narin ako eh, natatawa sa kakulitan nila. Para talagang sila eh.

Umupo ulit si Case sa tabi ko. Tinigilan ko na ang pagtitig sa cellphone ko at tumingin na lang sa mga nagki-quiz. Tumitingin tingin sila sa amin.

"Mga ate at kuya, penge naman po ng sagot dyan oh." Natawa naman ako sa sinabi nila kaya sinabi ko yung pattern doon sa true or dalse. 2 points each kasi yun eh. Correct minus wrong pa. Hassle.

"Doreen, bakit mo sinabi?" Sabi ni Ethan sa akin.

Pinaupo ko siya sa tabi ko at hinawakan sa magkabilang balikat. Bale magkaharap kami ngayon.

"Ethan, you're so uptight! Loosen up, will ya? Daig mo pa si Ma'am bundat eh. Isipin mo nalang, charity ito. Palibhasa kasi, matalinong manyak ka eh." 

At nagtawanan kami ni Case.

"Atleast, may utak." Sabi ni Ethan.

Just Another Failed Love Story :|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon