Chapter Three: Parang ano..

60 5 2
                                    

Chapter Three: Parang ano..

Doreen‘s POV

 

At eto na nga yung araw na inaantay ni Case. Joke, kaming dalawa. Kinakabahan ako kasi magpeperform pa kami sa harap.

 

Ang daming humiyaw nung lumabas i Case. Palibhasa charismatic eh. Hindi ko na napansin kung merong mga humiyaw ta nakita ko si crush sa harapan ng mga kumpol kumpol na estudyante.

 

Pumikit ako para hanapin ulit ang sarili ko at kumaway kaway na sa kanila.

 

“Aba‘t ang lagkit ng tingin mo sa kanya ha?“ Siniko ako ni Case. “Mala-disney moment rin.“

 

“Hindi ah. Para kasing ano.. wala. Wala pala.“ Sabi ko sa kanya na parang nawala sa diwa.

 

“Ha? Hindi mo na siya crush? Agad agad?“ Lumingon siya sia sakin.

 

“Wala pa nga akong sinasabi eh. Hahaha! Basta. Ano. Wala yun.“ Nginitian ko nalang siya para tapusin ang pag-uusap na yun.

 

“Tignan mo si Ethan oh, may placard pa para sayo ha? Ano ka? Artista?“ Sabi ko kay Case.

 

“Aba! Dapat lang. Unggoy yan eh.“ Satisfied na naman siya.

 

Ang cute cute talaga nilang dalawa. Kung mag-asaran wagas eh. Kelan kaya nila mare-realize?

 

Natapos narin ang presentation namin ng platforms per party. Nagpunta kami sa iba‘t ibang classrooms para mag campaign at syempre, makipag-shakehands. Uso yun eh.

 

“Hello, ako nga po pala si Doreen Lim. Ayokong mangako dahil parang pinapakita ko na rin na napakababaw ko. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para gampanan ang ibibigay sakin na tungkulin. Vote wisely po :)“

 

Nginitian ko sila, ganun rin si Case. Magkapartido kami. Lumibot na kami sa classroom para makipagkamay at mamigay ng flyers.

 

“Ate, shakehands raw kayo ni Hiro.“ Tinulak tulak nila siya palapit sakin at kinamayan ko rin.

 

“Iboto mo po ako kuya ha?“ Ngumiti ako sa kanya at lumabas na ng classroom nila.

 

“Hoy Doreen! Daming fans ha?“ Sabi sakin ni Case. Tawa siya ng tawa. Parang adik!

 

“Tara na muna sa HQ? Nandun na raw sila President.“

 

Sumunod na ko sa kanya papuntang HQ. Nandun yung iba naming mga kapartido, nagmemerienda.

 

“Penge naman ako niyan~“ Pagkanta ni Case at kumuha ng chips sa lamesa. Lumapit na siya sakin at umupo sa lamesa sa harapan ko.

 

“So, what's the damage?“ Ika niya habang kumakain.

 

“Damage saan? Eh, wala pa namang nangyayari. (_ _)“

 

“Patience, bestfriend. Patience. Kain ka muna oh.“ Inabot sakin ni Case yung Stax na kinakain niya.

 

Lumapit samin si Ate Franses. Isa sa mga comelec sa school.

 

“Doreen, pwede ko bang hiramin tong gitara mo?“

 

“Sige lang po ate. Hahaha! Kayo talaga.“ Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko.

 

“Salamat ng marami!“ Umalis na si Ate franses.

 

Ganun lang ang ginawa namin nila Case at ng mga kabatch namin na tumatakbo. Nag-campaign lang buong araw at kumain.

 

Natapos na ang araw na yun at nakabalik narin sakin ang boyfriend ko. Yung gitara. Hahahaha!

 

“Salamat Doreen. Next time ulit~“ Tapos nagsi-uwian na kami.

 

Hindi na kami nagkita nila Case at Ethan kasi pare-pareho kaming pagod. Si Case, sa pagkampanya. Si Ethan naman, sa pagkampanya para samin. Hahaha.

 

Humiga kaagad ako sa kama ko at umidlip. Nagising na lang ako nung mga bandang hating gabi ng makita kong may dalawang unread messages sa phone ko.

 

From: Case

Girl, magbabantay raw tayo bukas sa class 2-G. Quiz nila bukas, tayo nila Ethan ang magbabantay sa may sepak takraw court. Ok?

-End of message.

 

From: Unknown #

Gitara mo ba yung itim na slim? Ang ganda ng tunog ha? Salamat pala sa pagpapahiram mo. Si Eren pala to, ok lang ba na kinuha ko kay Case yung number mo?

-End of message.

 

Napapikit ako ng isang beses. Dalawang beses. Pangatlo. Tinignan ko kung kanino galing yung text. Kay Eren daw talaga. Tinignan ko yung gitara ko sa sulok.

 

“Malandi ka talagang gitara ka! Naunahan mo pa ako. Walangya.“ Naku, Doreen. Nababaliw ka na. Pati gitara kinakausap mo na.

 

Ok lang ba na umasa?

 

 

                                                                   ↭

Alam niyo naman siguro kapag tayong mga babae nagkacrush eh, pati mga bagay bagay kinakausap na natin. Walangya. Hahahahaha! Keep reading po :> Thank you, thank you po!

(c)Prettywasteoftime.

Just Another Failed Love Story :|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon