Chapter Five

21 1 0
                                    

Chapter Five:

Di namin namalayan na election na pala. Sad to say na hindi ako nakuha. But I'm happy for my bestfriend dahil naging representative siya.

Patapos na rin pala ang school namin at magbabakasyon na kami.

"Oi Doreen. San ka magbabakasyon?" Tanong sakin ng bestfriend ko.

"Baka kila lola ko nalang. Ayoko dito satin kasi walang wifi sa bahay. Hahaha!"

Ano nga pala. Pauwi na kami ni Case ngayon at dala na namin yung mga gamit namin galing sa locker. Huling linggo na namin sa paaralan na to. Parang kailan lang first year kami. Ngayon, magthi-third year na.

Malapit ba kami sa gate non nung may nakapukaw ng tingin ko at hindi na napansin si Case.

Si feeling koreano. Si feeling koreano nagpagupit na! Nakataas yung gupit niya. Now I can see na may hitsura naman talaga siya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, and those captivating eyes as he looks our way. My way.

Feeling napaka-infinite namin sa oras na yun. His pale brown eyes looked right at me. Feeling ko tuloy lalamunin ko yung mga sinabi ko kay Case noon! Paano ba to? Dapat hin-

"Bes? Huy! Nakikinig ka ba sakin?" Kinaway kaway niya yung mga kamay niya sa harapan ko.

"Ha? Ano na pala yung sinasabi mo?" Sabi ko sa kanya pero yung tingin ko nakasunod parin kay feeling koreano.

"Sabi ko nakatagos ka na."

"What?!" Tinignan ko yung palda ko at tumingin ng masama kay Case. "Sabi mo mero-" Naputol na naman yung sasabihin ko nung tumawa siya ng malakas.

"Ito na ba yun? Siya na ba ang magpapatibok ng puso ng bestfriend ko? Paano na si Kuya Eren niyan?" Tapos tumawa pa ulit siya ng pagkalakas lakas. She's savoring this moment.

"Ano ba bes. Tara na please? Uwi na tayo. Nakakahiya naman eh. Tignan mo. Tinakot mo siya. Hindi na siya nakatingin dito." Sabi ko sa kanya at nagtawanan pa kami lalo.

"Baliw ka talaga. Pero seriously? Crush mo na siya? Pano si Kuya Eren ngay?" Tanong niya sakin.

"I really don't know -.- Tama na nga sa lovelife ko. Kung meron man. Haha! Kamusta kayo ni Ethan?" Bato ko naman sa kanya.

"Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!" Kunwaring nag-acting siya na nandidiri. "Sa panahon ngayon, ihi nalang nagpapakilig sakin. Tandaan mo yan."

"Yan kasi. Dami mong experience. In denial ka tuloy sa kanya." Napansin kong may dumaan sa mukha niya pero nawala rin yun bigla.

"Paano ba yan Case? See you next school year?" Nasa may sakayan na kasi ako pauwi sa amin.

"Anong see you next year ka dyan. Eh, sa kabilang barangay lang naman kami. Hahahaha! Pero have fun :)"

"Likewise bestfriend." Sabi ko sa kanya. But I can't help not to think about that guy. There's something strange about him.

(c)Prettywasteoftime

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another Failed Love Story :|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon