Chapter 4

10 0 0
                                    

Chapter 4:Autumn Manalansan

 

 

 

Pagkababa ko pa lang ng taxi, naaninag ko na si Autumn sa labas ng pinto ng bahay nila. Umaliwalas ang mukha niya ng nakita ako.

 

 

 

Pumasok naman ako agad sa gate at tumakbo sa kanya. Nakakairita to ano kailangan nito? Mukha namang hindi importante! Sayang sweldo! Paano ba naman kasi nakasleeveless na floral top lang siya at shorts. Shopping lang?! Hays.

 

 

 

Hingal ako nung kaharap ko na siya. “Ano na namang pupuntahan mo? Magshoshopping ka?! Alam mo namang trabaho ko di ba?” inis na sabi ko. Agad namang kumunot ang noo niya at binatukan ako.

 

 

 

Aray!

 

 

 

“Makasigaw ka! Oy, P.A. kita! Wag kang ano diyan!” sabi niya.

 

 

 

“Kahit na! Ano ba kasing kelangan mo?!” pasigaw kong tanong.

 

 

 

Hinila niya na ako papasok ng bahay nilang malaki, hindi ko na napansin ang mga katulong nilal dahil mabilis ang lakad namin paakyat sa kwarto niya. Personal Alalay niya ako at alam kong hindi maganda ang paguusap namin. Parang tropa lang. Kasi parang bestfriend niya na din ako. Akala ko nga maldita yan e. Yun pala mabait din, sabi niya kasi nung medyo matagal na akong PA niya.

 

 

 

“Dont push yourself too much sa papaging P.A. for me. I am only treating you as a friend. Pero dont boast na agad kasi nalaman mong im not treating you as may personal alalay a?”

 

 

 

Ngumuso naman ako at, “Okay! Mabuti naman! Para masaya!” sabay binatukan niya ako at tumawa siya.

 

 

 

Simula nun, parang bestfriend ko na rin siya. Wala naman akong ibang masyadong close kasi maliban sa kanya. 8 months niya na rin akong P.A. e.

 

 

 

Agad niyang sinara ang pinto sa kwarto niya sabay bitaw sa kamay ko at tumalon pahiga sa kama niya. Nakatayo lang ako sa tapat ng kama niya. May touch ng pink at violet ang kwarto niya at itong kwarto na ito ang siguradong pinapangarap ng lahat ng mga babae dahil ang cute nito kahit ako mismo sobrang nacucute-an sa kwarto niya.

 

 

 

“Im going to Bicol and isasama kita kasi ayaw akong payagan ni dad mag-isa!” sabi niya at niyakap ang isang unan. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at kinuha ko ang isang unan sa paanan niya at binato sa kanya.

 

 

 

BOOM SAPOL!

 

 

 

“Bicol?! Anong gagawin mo dun! Hays! Ang layo nun! Masyado naman na ata!”

 

 

 

Tumayo siya with gagastusin-ko-lahat-look.

 

 

 

“Summer! Si dad ang bahala! Tsaka ang main reason dahil may pinapakuha siya dun at kailangan daw ako ang kumuha. Nakakatamad nga e pero naeexcite ako dahil first time kong pumunta dun! I’ve been travelling too many beautiful countries outside the philippines pero mas excited ako sa Bicol! Kaya sumama ka! Kailangan kita! Utos rin ni dad kaya wag ka ng ano diyan!”

 

 

 

Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya. Hindi pa ako nakakarating ng ibang malayong lugar, o ibang bansa at umiikot lang ang mundo ko dito sa Manila. Naeexcite din ako, kaso hindi ko alam kung sasama ako dahil may trabaho ako bukas kaya pinaulanan ko ng tanong si Autumn.

 

 

 

“Malayo ba iyon? Anong sasakyan? Paano may trabaho pa ako bukas! Sayang ang sweldo ko! Kailangan kong mag-ipon! Paano ako magpapaalam sa nanay ko? Hays, wala pa akong nakaempake na damit? Pwedeng umuwi muna ako?”

 

 

 

Tumayo na si Autumn at hinawakan ang magkabilang braso ko. “Alam mo ang dami mong question! Nag-call na si dad sa manager ng coffee shop where you work, he called already your mom. No need to go home and pack your things. Im sure Bicol is a far place but we will ride on our private plane. Hihi. We will go shopping now before we go to the beautiful place Bicol!!!!!!” sabi niya tapos tumalon talon na siya sa kama niya!

 

 

 

Napa-OK na lang ako sa lahat ng sinabi niya. Lumabas naman na kami ng kwarto niya dahil aniya’y magshoshopping kami. Sumakay na kami sa kanyang red na kotse.

 

 

 

Okay naman yung plano. Besides, mas malaki ang sweldo ko sa pagiging P.A. sa isang to kesa sa pagtratrabaho ko sa coffee shop at tagahugas. Mabait ang family ni Autumn, mabait din siya at napakaswerte niya.

 

 

 

Hindi niya mararanasan ang hirap ng buhay. Siya, hihingi lang ng pera nandiyan na agad. Ako, pinaghihirapan ko pa ang pera bago ko mahawakan to.

 

 

 

Siya nag-eenjoy sa edad namin ngayon. Ako, nagbabanat na ng buto. Wala namang kaso sa akin yun. Pero sana, yumaman na ako para maranasan ko ang nararanasan niya ngayon. Hindi ba halatang inggit ako?... chos, hindi naman.

 

Rain Falls to SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon