Chapter 16

4 0 0
                                    

Chapter 16: "Clark"

Summer's POV

Hinihintay na namin yung private plane nila Autumn. Malungkot pa rin si Autumn. Ako din malungkot, pero parang ang tagal kong nag-stay rito kasi nga yung nangyari sa akin na nagkanda wala wala ako tapos may nakilala akong annoying na lalaki.

Sa wakas dumating na yung private plane, tahimik kaming sumakay. Mga ilang minuto lang Manila na agad kami. Walang traffic, malamang wala naman talagang traffic sa himpapawid. Biro lang.

Bumaba na kami sa parking lot at nakaabang na doon yung mga kotse nila Autumn.

"Summer, ingat ka sa pag-uwi ipapahatid na lang kita sa driver namin. Dont forget your baggage. Bring them home, thats your own clothes na. Tanggapin mo na yan. Bye Summer! Thank you." malamlam na paalam sakin ni Autumn.

Niyakap ko siya. Alam kong malungkot siya dahik dun nga sa balita na nalaman niya. Yung arrange marriage.

"Wag ka na malungkot Autumn. I-explain mo na lang sa dad mo yan. Ingat ka din. Salamat sayo"

Sumakay na ako sa kotse na maghahatid sa akin.

"Mam, saan yung bahay niyo?" tanong nung driver.

"uhmm sa ano po...—" napatigil ako bigla. Oo nga pala, bawal malaman na nakatira ako sa malaking mansyon na pinagtratrabahuan ng nanay ko.

"uhmm. Baba niyo na lang po ako sa 24/7" sabi ko at tumango naman yung driver at nagpaandar na.

Buti may 24/7 dun sa kanto na papasukan papuntang mansyon. Mag-tataxi na lang ulit ako.

Binaba na ako ni kuya sa 24/7 kasama yung isang maleta na mabigat.

Bago ako tumawag ng taxi, chineck ko muna yung wallet ko kaso naalala ko wala pala akong dalang wallet simula pa nung isang gabi. Shunga ko lang talaga. Wala na akong magagawa kundi maglakad!

Nagsimula na akong maglakad. Buti na lang naka-t shirt at pants ako na naka-sneakers. Hay, madilim na. Natatakot ako.

Pero naalala ko si... Rain? Talaga lang. Natatawa ako. Ang weird niya kase e. Nasaan na kaya yun ngayon? Nandun pa din siya? Hmm, anyway mas pumasok sa isip ko na back to normal na naman at may pasok na pala ako bukas at trabaho pa ako.

*peep peep pipeep*

Napalingon ako sa ingay. Nasilaw ako sa napakaliwanag na headlight ng motor. Bigla siyang tumigil sa gilid ko, kinakabahan na ako kasi hindi ko siya kilala at nakahelmet pa siya.

"K-kung manghoholdap ka, wala akong maibibigay. Etong cellphone na nokia lang ang meron ako." takot kong sabi.

Inalis niya yung helmet at inayos niya yung gulo gulo niyang buhok.

Bigla niya akong nginisian. Kilala ko to ha?

Kung hindi ako nagkakamali, siya yung--

"Hoy miss, wala ka bang isip? Naglalakad ka ang bigat ng dala mo?" aniya.

Aba! E ano naman?! Tinignan ko lang siya ng nakakunot ang noo.

"Saan ka ba uuwi? Tara sabay ka na saken?"

Umayaw ako. Sino ba kasi to at saan ko siya nakita?

Bumaba siya sa motor niya at hinila sa akin yung maleta na hila ko. Hinawakan ko naman mabuti kaya nag-agawan kami. Aysh!

"Ano ba? Ayaw mo bang sumabay?!" aniya na parang nauubusan na ng pasensya sa kakahila ng maleta.

Hindi ako pwede sumabay diyan, kasi nga dapat walang makaalam na nakatira ako sa mayaman na mansyon na yon.

"Ayoko, kaya ko na to." sabi ko sa kanya. Ang dami ko naman talagang nakakasalubong na may sapak.

"Okay, pero one more thing?" sabi niya habang nakasakay na siya sa motor niya. "Anong name mo? At anong number mo?"

Aba! Ayoko nga.

"Ayokong ibigay. Aalis na ako. Wag mo na akong kulitin." sagot ko.

"Okay madali naman akong kausap. Ako na lang magsasabi ng name ko, ako si Clark! Ge, ang panget mo na nga ang sungit mo pa! " aniya sabay paharurot na umalis at talagang nausukan pa ako nung tambutso niya.

Wala na talagang matino ngayong lalaki. Hays.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Binilisan ko at 30 minutes ang nakalipas nakarating na rin ako sa mansion. Gusto ko ng tubig... Kaya dali dali na akong pumasok sa maliit na gate sa gilid.

Rain Falls to SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon