Chapter 20

5 0 0
                                    

Chapter 20—Magkaibang Mundo

Summer's POV:

Maliit nga lang talaga ang mundo. At napatunayan ko yun sa aming dalawa ni Rain. Hindi lang siya isang normal na taong kagaya ko. Hindi ko sinasabing abnormal siya. Mag-kaiba kaming dalawa.

Malayo kaming dalawa. Maraming hagdan ang kailangang akyatin para makaabot ako sa posisyon niya.

Pero sa tingin ko, hinding hindi ko maaabot kung ano ang posisyon niya. Hanggang dito lang siguro ako.

Mayaman siya, mahirap lang ako. Dapat siguro hindi ko na lang siya pinansin nun. Nanliliit ako sa tingin ko sa sarili ko.

Tama na nga. Nakaka-down na. Nagtratrabaho pa naman ako. Oo, naghuhugas ako ng plato habang iniisip ko yung mga thoughts na yan sa utak ko.

Tapos na ako sa trabaho ko, naglalakad na ako ngayon pauwi hanggang naisip ko si Rain. Yung pagyakap niya sa akin kanina.

Sabi niya miss niya ako? Anong ibig sabihin nun? Kinamot ko yung ulo ko kasi feeling ko ang baliw ko naman kung sasabihin kong gusto niya ako.

Hello? Mayaman > mahirap = hindi compatible.

Hayys. Bakit ko nga pala naisip na compatible kami? Tae yan, wala akong kahit anong intensyon dun -_-

Rain's POV:

Nagmamaneho na ako ngayon pauwi. Medyo mag-gagabi na. Masaya ako ngayon hindi dahil papasok na ako sa PHA bukas kundi dahil kay Summer. Ewan ko. Napapangiti ako kapag naiisip ko yung niyakap ko siya kanina.

Pero throwback muna tayo kanina nung nasa PHA ako. :3

Okay, andito na ako sa PHA Office ng Head.

"Tumangkad ka ha. Hindi na kita nakilala. Anong sikreto mo bakit ang gwapo mo?" sabi nung head sabay natawa sa pinagsasabi niya.

Ako nakaupo lang ako at naghihintay lang ako kung kailan niya sasabihing lumabas na ako.

"Sige, napadala na yung uniform mo sa mansion niyo. Makakaalis ka na." aniya.

Tumayo na ako at nagmamadali ng umalis.

"Saglit lang pinapasabi nga pala ng dad mo na hanapin mo si Autumn Manalansan. Dont make excuses, may picture ka niya di ba? Kailangan kayong magkita ngayon para makilala mo na siya." pahabol niya.

"Okay." sagot ko.

Hayys. Hahanapin pa yun. Para saan? Arrange marriage? Hindi ko naman siya type.

Nilabas ko yung phone ko para alalahanin ulit yung mukha nung babae na si Autumn.

Lumibot ako sa buong school. Tumigil muna ako sa garden at umupo sa isa sa mga bench.

"Excuse me?" ani ng isang babaeng boses na kumalabit sa akin.

Napalingon ako. Siya na kaya tong si Autumn? Tumingin ulit ako sa phone ko. Siya na nga ito.

"Oh, hi. Upo ka." sabi ko sa kanya.

"Rain, right?" pagtatanong niya. O yes. Wala ng iba, ako nga si Rain :3

"Yes." sagot ko.

Nakangiti lang siya. "Sabi ng dad mo nandito ka daw sa school kaya hanapin rin daw kita. Youre looking for me too right?" tanong niya.

Oo, na-force lang akong hanapin ka.

"Oo." sagot ko.

One word answer lang maririnig mo saken kapag hindi ako interesadong makipag-usap sa tao.

Niyaya niya akong mag-coffee muna sa isang coffee shop malapit sa school.
Gusto kong bumalik sa school ni Sunmer para makita ko ulit siya. Syempre nahanap ko na siya, hindi ko na siya ulit hahayaan mawala sa paningin ko.

"Rainier, uhmm. Nung una ayoko talaga sa plano ng dad mo na mag--" pinutol ko yung pagsasalita niya.

"Ayoko rin naman simula pa nung una until now ayoko pa din. And for the future ayoko pa din." pageexplain ko sa kanya.

Nakita ko yung disappointment sa mukha niya. Wala akong magagawa e. The best way na gawin para hindi ka mukhang paasa is to ignore them sa una pa lang.
Tumayo na ako. Tumayo rin siya.

"Hindi pa kasi tayo nagkakakilala e kaya sinasabi mong hindi mo ako gusto." aniya.

Naglakad na ako palabas ng coffee shop. Hindi ko ugaling manakit ng babae. Sorry may i-iba na akong gusto.

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Please, maging friends muna tayo? Tsaka na natin isi--"

"Okay, friends. Goodbye, may gagawin pa ako." sagot ko sabay tanggal ng kamay ko sa pagkakahawak niya. Lumakad na ako deretso sa kotse, alam ko sa sarili kong mahilig ako na makipag-flirt, pero kapag seryosong usapan na at may feelings na na-involve. Hindi ko ugaling manloko ng babae. Oo, maganda si Autumn. Hindi ko lang talaga siya gusto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rain Falls to SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon