Chapter 11

13 0 0
                                    

Chapter 11: "Be Free"

Summer Velasco's POV

"Nandito na ho tayo, sir Rain." sabi ni manong tricycle driver.

"Manong, hindi ko kayo kilala. Come on." pagkasabi niya nun kay manong ay hinigit niya na ako palabas ng tricycle. Kinakabahan na ako kung saan niya ako dadalhin.

Binabawi ko yung kamay ko na hawak niya pero sobrang higpit nito. Naiinis na ako ha?

"Hoy! Please, bitawan mo nga ako! Kung kikidnappin mo ako, wala kang makuuha sa akin!" galit na sigaw ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paghila sa akin.

Hanggang sa tumigil kami sa isang lugar na medyo tanaw ko na ng malapitan ang Mayon Volcano. Baka ilalaglag niya ako sa lava ng Bulkang Mayon?! Hala! Marami pa akong gusto sa buhay! Gusto ko pang yumaman!

Tumigil kami sa grassy part at binitawan niya na ang kamay ko. Buti naman! Ngayon kitang kita ko na talaga ang kabuuan ng Mayon sa medyo malapit.

Humakbang siya paharap.

"I want to be free." aniya.

Ngayon, nagtataka naman ako kung bakit niya sinasabi sa akin yan. Bakit? Close ba kami? feeling ko nagsasayang lang ako ng oras dito at hindi niya naman ako katulong at syempre baka hinahanap na ako ni Autumn.

"ikaw ba? Malaya ka ba?" sabi niya ulit sa akin habang nakatingin siya sa malayo.

"Alam mo, kung may tama ka sa ulo, please lubayan mo na ako or else, ako ang magdadala sayo sa mental!"

Lumingon agad siya sa akin dahil nasa likod niya ako. Galit ang ekspresyon na ipinakita ng mukha niya sa akin. Tumingin din ako sa kanya saglit pero nag-iwas agad dahil ang gwapo niya. Ngayon lang ako natapatan ng kagwapuhan tulad niyan.

"Hindi mo kasi naiintindihan!" sigaw niya sa akin at umupo siya sa bato at yumuko. Nagulat ako sa inakto niya. May kung ano sa akin na medyo lumambot. Naiinis ako sa kanya pero may parte na naawa ako sa kanya. Mukhang mali ata yung inakto ko sa kanya. Mali ata yung mga hinala ko sa kanya. Baka may mabigat itong problema.

"S-sorry" biglang lumabas sa bibig ko yang salita na iyan. Lumapit ako sa lalaking ito at dinampi ko ang kamay ko sa likod niya. Pero sandali lang iyon, umupo ako sa katabing bato na iyon at tumingin na lang ako sa bulkan para mawala na ang bumabagabag sa akin.

Rain Falls to SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon