Chapter 12

12 0 0
                                    

Tayong dalawa lang

Bigla akong nalungkot para sa kanya. Mabigat siguro ang problema niya kaya naman hinimas ko ang likod niya para i-comfort ko siya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip kung paano ko pa siya icocomfort ng bigla na lang siya tumawa!

Anak ng! Ano to? Abnormal ata to ah?! Inalis ko kaagad ang kamay ko sa likod niya at pinalipad ko ito papuntang ulo niya.

"Aray!" sabay inda ng sakit sa palo ko.

"Abnormal ka talaga! Ano ba talagang gusto mo ipahiwatig?!"

tumawa siya habang ako naiinis sa kanya, "Dali mong mauto! Sarap mo tuloy asarin."

"Kuya, wala akong oras na makisakay sa trip mo kaya kung pwede lang aalis na ako"

Tinalikuran ko na siya at nagulat na lang ako hinila niya ang kamay ko. Sa sobrang gulat ko na out of balance ako at napaupo sa kanya. Letse!

"Bitawan mo nga ako rapist ka!!!"

"tumigil ka na nga sa kakahinala mo sa akin! Wala ka namang ebidensya e! Para matahimik ka, ipapasyal na lang kita dito!

"Hindi wag na! Aalis na ako!"

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin na ngayon naging yakap na at nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Inaaya na kita, oo na kasi. Kasi pag ayaw mo, hahalikan kita" sabi niya at napatingin ako sa mata niya.

Hindi ako magdedeny, naaakit ako sa stranger na ito!

Umiwas na ako ng tingin. "Oo na, sasama ako!"

"Yon!" ngiti niya sabay tulak sa akin. Kaya napamura ako sa ginawa niya. Bastos! Mapangakit nga! Bastos naman!

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Malapit dun sa Mayon!" sagot niya habang tinitingnan yung Mayon. Tinignan ko siya, hindi na ako magtataka kung mayaman tong kasama ko ngayon. Sa mukha pa lang e, makinis at mukhang tinitingala siya.

"Baka mabagsakan tayo ng molten rocks don!" sarcastic kong sabi.

Tinignan niya ako ng parang di gets yung sinabi ko. Hahahaha, nagjoke ako kuya.

"Hay! Tara na! Miss ko tong lugar na ito!"

"San ba talaga tayo banda dun malapit na pupunta?" tanong ko ule.

"Dun nga sa lugar kung san tayo lang magkasama"

O___O maaasar, matatakot o kikiligin ako sa sinabi niya?

Rain Falls to SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon