Chapter 7

10 0 0
                                    

Chapter 7: His dirty secret

 

 

 

As usual, ako ang nagdala ng mga bag at maleta. Iniwan na kami ng bodyguards dun sa nilapagan ng plane. Pfft. Hindi gentlemen.

 

 

 

Sinusundan ko lang si Autumn kasi siya yung may hawak ng malaking flashlight. Naglalakad kami ngayon sa isang malaking bahay. Nung malapit na kami, naaninag ko ang isang black gate na malaki at sa loob ay bahay na rest house ang dating. May grass part sa magkabilang gilid, hindi ko na maaninag yung iba kasi madilim na.

 

 

 

“Yey! Nandito na tayo!” sabi ni Autumn nung nasa loob na kami ng malaking resthouse. Ang laki sobra. Color brown yung color na medyo beige. Antique ang mga designs at mala-vintage ang theme. Halos malalaglag na ang panga ko dahil kanina pa ako namamangha! Okay lang kahit forever ako na personal alalay ni Autumn! Basta lagi niya akong isama sa mga trips niya!

 

 

 

 

 

 

 

Biro lang!

 

 

 

“Summer, sa taas yung room na tutulugan. Tabi tayo okay?” sabi ni Autumn habang may hinahanap sa bag niya.

 

 

 

“Ah, o sige. Hindi ka naman maarte e.” Sabay tawa ko.

 

 

 

“Psh. Baka ikaw.” Asar na sabi niya.

 

 

 

Umakyat na kami ng kwarto. Ni-lock namin lahat ng pintuan at gate dahil kaming dalawa lang ang nandito. Bukas pa raw dadating ang 2 katulong at 2 bodyguards sa resthouse.

 

 

 

 

 

Sa isang malaking kwarto pumasok si Autumn, master’s bedroom. “Dito tayo matulog, queen size bed kaya kasyang kasya tayo.” Nakangiting sabi ni Autumn. Humiga na ako agad-agad dahil napapagod na ako. Siya naman umupo sa kama.

 

 

 

BRRRRRTTT***

 

 

 

Nagvibrate ang iPhone 5s niya. Agad niya itong sinagot.

 

 

 

“Dad, yes. Were here already. Were safe here.”

Rain Falls to SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon