~~~AT THE PARKING LOT~~~
Nandito kami ngayon sa parking lot sabay-sabay na daw kaming papasok sa loob ng mall . Nagtataka kayo kung pano ko nalaman kung saan kami pupunta?
Marami pang nangyari bago ko nalaman.(Flashback. Nasa byahe)
"Allysa san tayo pupunta?" tanong ko kay Allysa ,hindi ko na sya tinignan kasi nag-dradrive ako. Naghihintay ako ng sagot nya pagkalipas ng 30 seconds di parin sya sumasagot. Pagtingin ko sa likod, Nah tulog pala sya.
Eto namang Xyriel nato di pa sinabi sa akin na tulog si Allysa para hindi na ako naghihintay ng sagot eh pano namang magkakaroon ng pakielam yan, nagbabasa na naman kasi sya eh.
Halla saan kaya kami pupunta?
Kanina pa ako drive ng drive dito eh,Tanongin ko kaya si Xyriel.
"Xyriel saan tayo pupunta? "Tanong ko sa kanya,
.
.
.
.
..
.
.
.
.
Halla hindi nya yata narinig, di ako sinagot eh,Tanongin ko kaya ulit.
"Xyriel saan tayo pupunta? "Tanong ko ulit.
.
.
.
.
..
.
.
.Wow nice talking,, sigawan ko kaya,
"XYRIEL SAAN TAYO PUPUNTA!?"sigaw ko sa kanya kaya humarap na sya sa akin,
Buti nalang di nagising si Allysa.
"Oh ,bakit ganyan ka makatingin?"Tanong ko sa kanya
Sa totoo lang ,inis na inis na ako.
Sila tong nag-yaya tapos di naman nila sinabi kung saan kami pupunta.
Sayang yung gasolina ko."Bakit ka sumisigaw?"tanong niya sa akin habang nakataas yung isa niyang kilay.
"Kanina pa kasi kita tinatanong kung saan tayo pupunta, di mo naman ako sinasagot" naiiritang sabi ko sa kanya
"Pasensya naman nagbabasa kasi ako eh ,ala akong oras sumagot, at saka wag kana nga ulit magtanong kasi sa Mall tayo pupunta" sabi nya sa akin,, pinandilatan ko na lang sya ng mata at nagdrive na akong papuntang mall.
(Present)
Oh diba ang dami pang nangyari bago niya nasagot yung tanong ko, hindi ko nga alam kung bakit ko naging kaibigan ang mga ito eh.
Naweweirdo-han nga ako sa kanila pero ang totoo kahit ganyan ang mga kaibigan ko, love na love ko pa rin silang dalawa.
"Oy, tulala ka na naman jan, tara na pasok na tayo"sabi ni Allysa
"Sige"sabi ko
Kaya pumasok na kami sa Mall naglibot-libot muna kami
"Gwen, Xyriel pasok tayo don sa boutique" sabi ni Allysa sa amin
Di palang kami nakakasagot ni Xyriel hinila na agad kami ni Allysa papasok sa Boutique.
"Eto sayo Xyriel, eto sayo Gwen at eto naman sa akin"sinasabi yan ni Allysa habang nagbibigay sya ng dress sa amin with talon talon pa. Ang hyper nya pag sa ganitong bagay.
Kung tatanongin nyo kung anong kulay yung dress namin at kung anung itsura.
Akin kulay blue na cocktail dress na above the knee.
Kay Xyriel kulay cream na under the knee.
At kay Allysa kulay violet na tube above the knee,
"Oh girls, sukat nyo na dali! Dont worry my treat" sabi nya habang naka smile ng malaki na kahit parang napupunit na ang labi nya sa sobrang pagkangiti niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Dont Make Me Fall (COMPLETED)
RomancePano kung may nang yari sayo na hinding hindi mo nakakalimutan,na sobrang nasaktan at hindi mo na alam ang gagawin mo.. Paano kung naka move on kana.. At paano kung nang yari ulit sa pangalawang pagkakataon kakayanin mo pa ba? O gagawa ka na ng para...