Gwen's POV
Bakit parang may umaalog? Tanong ko sa sarili ko dahil sobrang sarap ng tulog ko at parang may bumubulabog sa akin.
Pag mulat ko ng mata ko nakita ko tong kaibigan ko na tumatalon
"Arghh l!!! , Allysa bakit ka ba tumatalon at ang aga-aga ah?" Singhal ko sa aking kaibigan na tuwang-tuwa na tumatalon sa kama ko.
"Uhmm.. sorry Gwen, eto lang kasi ang alam kong paraan para magising ka " sabi nya habang nakapuot..
EWWW papuot-puot pa to kala mo naman bagay sa kanya eh nag mu-mhuka siyang lang naman siyang pato. Nakita ko naman si Xyriel na nagbabasa ng libro.
Bakit ba kasi sila nandito ni Xyriel nakakainis naman eh.
Ang aga-aga nambubulabog ." Allysa bakit ba kayo nandito ni Xyriel?" inis na tanong ko sa kanila sabay ikot ng mata ko
Kung tatanongin nyo kung sino sila at kung ka ano-ano ko sila ,,,
Si Allysa Gomez kaibigan ko, mahilig sya sa pagkaing strawberry at magaling siya pumili ng damit. Para syang fashionista ,
maganda sya, mayaman at higit sa lahat mahilig sya sa mga lalaki.MY GHOD,
Si Xyriel naman, siya si Xyriel Sanchez wala syang favorite pero mahilig siya magbasa ng kung ano-ano at matalino.
Oo, aaminin ko may eyeglass sya ,pero hindi sya nerd nagsusuot lang sya ng eyeglass pag nagbabasa siya ng libro katulad ngayon nagbabasa siya kaya si Allysa lang ang kinakausap ko, kasi pag-kinausap mo yan magtakip kana ng tenga mo, sisigawan at sisigawan ka niya.
And me , I'm Gwen Zell Dominguez , mayaman, maingay,
maldita at may pag kasungit at saka food lover ako.Syempre maganda (oh kala nyo sila lang maganda ah,)
Ang hobby ko ay manood ng t.v. at maglaro ng volley ball
"GWEN!!!!" sigaw sa akin ni Xyriel at Allysa.
Aray! Ang sakit sa tenga, bakit ba sila sumisigaw?
"Bakit ba kayo sumisigaw ang sakit sa tenga ah" sabi ko habang nakatakip parin ang kamay ko sa dalawa kong tenga dahil parang mabibingi na ako sa kaingayan nila.
"Gwen kanina pa kami tawag ng tawag sayo ni Allysa tulala ka na naman jan" sabi sa akin ni Xyriel habang inaayos ang salamin niya.
Wow tapos na pala syang magbasa, di ako na inform ah.
"Oo nga ,bakit ka ba tulala jan? Mag-ayos kana nga at may pupuntahan tayo" sabi namn sa akin ni Allysa sabay tulak sa akin papuntang CR.
Ano ba yan bakit ba ganyan ang mga best friend ko?
Wala na akong nagawa kung hindi maligo. Pagkatapos kong maligo nagpalit na rin ako. Pagkalabas ko ng banyo wala na sila Xyriel at Allysa sa loob ng kwarto ko ,baka nasa baba na sila kaya bumaba na rin ako.Pagkababa ko nanonood sila sa sala with juice at bread pa ah, feel at home na feel at home talaga tong dalawang to,
Wala na silang hiya.
"Good morning Mom, Dad" sabi ko sa kanila sabay halik sa pisngi nila,
"Anak may pupuntahan pala kayo nila Xyriel at Allysa "tanong sa akin ni Mommy
"Mom pano mo nalaman na may pupuntahan kami?" tanong ko bago ako umupo.
"Anak di pa ba obvious naka pang alis ka na kaya!" sabi sa akin ni mom habang nakaturo sa suot kong dress,
"At saka anak pinag-paalam kana nila sa amin" sabi naman sa akin ni Dad habang naka smile.
Ahhh bakit ang gwapo ni Dad pagnaka-smile,
Pati si Mom kahit palaging nakasimangot ang ganda ganda nya parin..kaya ang ganda ganda ko eh kasi nagmana ako sa kanila HAHAHAHA!!
(OH walang kokontra alam kong mahangin ako pero slight lang)"Oh anak kain kana ,kanina kapa hinihintay nang mga bestfriend mo dun" sabi ni daddy habang nginunguso yung dalawa sa sala.
"Opo dad" sabi ko kaya kumain na ako,
Pagkatapos kung kumain nagpaalam na rin ako kela Mom and Dad.
"Mga babaita halina kayo" sabi ko sa kanila habang hinihila ko silang dalawa.
"Gwen naman tapusin muna namin yung pinapanood namin" sabi ni Allysa habang nakasimangot,
"Oo nga Gwen tatapusin lang namin "sabi namn ni Xyriel
Wow ah kailan pa kaya naging hobby ni Xyriel ang manood ng t.v.
eh halos kaladkarin nga namin yan ni Allysa para lang mag movie marathon kami o kaya manood ng sine eh."Wow ah mga babaita hindi nalang sana kaya kayo pumumta dito kung manonood lang kayo!! dun nalang sana kayo sa bahay nyo manood may mga DVD naman kayu dun diba?" sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay sa kanila,
"At ikaw Xyriel anong himala at parang gustong gusto mo nang manood ng tv ?May engkantong sumapi ba sayo at ang hobby nya ay manood kaya yan na rin ang gusto mo?!! " sigaw ko kay Xyriel habang pinamewangan ko sya,
"Gwen naman bakit ang ingay pwede mo namang sabihin yan ng mahinahon" sabi ni Allysa sa akin (pasensya naman kung maingay ako)
"Oo nga at saka Gwen ayaw mo ba nun gusto ko nang manood ng t.v. pag gusto nyo nang manood ng sine o kaya kung gusto nyong mag movie marathon hindi na kayo mahihirapan sa pag KAKALADKAD nyo sa akin dahil sasama na ako sa inyo!" sabi sa akin ni Xyriel at talagang diniinan niya pa yung salitang KAKALADKAD namin sa kanya with matching taas kilay pa ah,
"Shut up na guys may pupuntahan pa tayo diba" sabi sa amin ni Allysa habang nakataas ang kilay nya.
"Lumabas na naman ang pagkasungit nito" sabi ko kay Xyriel
"Oo nga" sabi ni Xyriel sabay tawa namin at high five
" Anong tina-tawa nyo jan?" Tanong sa amin ni Allysa.
Halla lumabas na yung sungit side nya.
"Ah wala, sabi namin sasakay na kami sa kotse" sabi ko habang palihim parin ako na tumatawa.
Kaya sumakay na kami sa kotse.
Kung tatanongin nyo kung kaninong kotse ang gagamitin namin, syempre akin.
Ako lang naman ang may kotse, kasi ako lang ang marunong mag drive. Wala namang alam tong dalawang to sa ganito eh.
Kung tatanongin nyo kung anong kulay ang kotse ko syempre blue .
My favorite colorHabang nagdradrive ako bigla akong pinalo ni Allysa sa legs
"Aray !Ano ba?!Bakit kaba namamalo" sigaw ko kay Allysa na magkasalubong ang kilay ko.
"Mag pa-music ka nga, open mo yang stereo ng kotse mo.Ang boring kasi eh" sabi nya habang kumakamot sa batok niya
"Eh bakit mo pa ako pinalo?Pwede mo namang sabihin lang sa akin"sigaw ko sa kanya
"Sorry na eto namn ang sungit-sungit"sabi nya
Kaya binuksan ko na yung stereo ng kotse ko,
"Yes!! thank you" sabi nya na sobrang ngiti pa.
Kaya pala siya naboboring ,wala pala kasi syang kausap , pano naman nagbabasa nanaman si Xyriel.
Hindi niya talaga maalis ang pagbabasa nito, kaya eto si Allysa imbis sana na si Xyriel ang kausap , ang naging kausap nya na eh ang music,
Kawawang Allysa HAHAHAHA,,
A/N:
THIS IS MY FIRST EVER SOLO STORY NA GINAWA KO PO,,SANA SUPORTAHAN NIYO PO,
I HOPE YOU LIKE IT!
BINABASA MO ANG
Dont Make Me Fall (COMPLETED)
RomansPano kung may nang yari sayo na hinding hindi mo nakakalimutan,na sobrang nasaktan at hindi mo na alam ang gagawin mo.. Paano kung naka move on kana.. At paano kung nang yari ulit sa pangalawang pagkakataon kakayanin mo pa ba? O gagawa ka na ng para...