Nagising ako dahil sa naririnig kong iyak, pagbukas ng mga mata ko nakita ko si Allysa na umiiyak,,"Gwen gising kana! " masayang sabi ni Allysa
"Ay hindi ,tulog pa ako" sarcastic na sabi ko
Ano bang nangyari bakit nakahiga ako dito paano ako nakarating dito,
"Ano bang nangyari sa akin? "tanong ko kay Allysa
"Gwen, bigla ka kasing nahimatay , dahil siguro sa pagod mo at ang putla mo kanina " sabi niya
"Sino nagpunta sa akin dito" tanong ko ulit habang bumabangon.
"Si Mark , nabangga mo siya nung takbo ka ng takbo, akala mo daw kasi may sumusunid sayo, dahil siguro sa pagod mo kakatakbo at sa takot mo kaya ka namutla" mahabang salaysay niya
"Ganun ba" sagot ko
"Oo, akala ko nga kung anong nangyari sayo eh" sabi niya sabay punas nang luha niya
"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ko para lang siyang timang na umiiyak, hindi pa naman ako patay eh
"Ang tagal mo kasing magising eh, kaya iniyakan nalang kita" sabi niya, tignan mo tung babaeng to hindi lang ako magising umiyak na, baliw talaga,,
"Don't worry, maayos ka na " sabi niya
"Yeah " sagot ko
Habang nag uusap kami may bigla pumasok, si,,, Mark
Naglakad siya palapit sa akin,,,
"Alis muna ako" sabi ni Allysa sabay labas agad ng kwarto
Mas lumapit pa siya ,,,,
"Ayos naba pakiramdam mo? " tanong niya sa akin
"O-Oo " nauutal kong sagot
Pagkatapos kung sinabi yung wala ng umimik sa amin,
Maya-maya ay bumaba ako sa kama,,
"San ka pupunta? " tanong niya
"Sa labas magpapahangin, ang boring naman dito eh" sabi ko sabay tayo na, kaso nung maglalakad na ako bigla akong natutumba, pero bigla naman akong inalalayan ni Mark,
"Tayo pa kasi ng tayo eh" sabi niya
"Eh katatayo ko palang nga eh" sabi ko
"Tskk"
"Gusto kong lumabas" sabi ko kay Mark
Hindi niya ako pinansin,,
"Uyy, gusto kong lumabas " sabi ko ulit
Dedma pa rin,,,
"Sige na ah, please" sabi ko
"Fine, pero sasamahan kita " sabi niya
Tumango nalang ako,,,
Kaya lumabas na kami at naglakad lakad sa tabing dagat,,Habang naglalakad kami bigla niyang binasag ang katahimikan,
"Ang ganda talaga dito sa resort niyo "sabi niya sa akin habang linilibot niya ang mata niya sa paligid
"Oo nga eh at tsaka matagal tagal na rin hindi ako nakapunta dito kaya, gustong gusto ko maglibot para makapasyal " sabi ko
Tumango tango sya,,
At nagpatuloy ulit kami sa paglakad
,,,
Allysa's POV
Nandito ako ngayon sa labas nakaupo nagpapahangin,
Umalis ako dun kasi alam kung mag-uusap si Gwen at Mark ayoko naman maging statwa dun habang nag-uusap sila noh ,
Ano pa tung ganda ko at naging statwa lang rin ako,,, hay
Habang linilibot ko ang mata ko, may biglang lumapit sa akin na dalawang lalaki, mhukang turista silang dalawa dito,,
"Hi Miss" sabi sa akin nung isang lalaki
"Mhukang nag iisa ka lang dito Miss" sabi ulit nang isang lalaki
"Pake niyo?" sabi ko sabay irap
"Ay suplada pala ito pare eh" sabi nung isang lalaki
"Oo nga noh, " sabi ulit nang isang lalaki
Lalapit sana sa akin yung isang lalaki para hilain ako kaso may bigla ng hila sa kanya at sinuntok siya sa mhuka,
Nung tinignan ko yung lalaki si Lester pala,
Yung isa namang lalaki, sinuntok si Lester kaso nakabawi rin si Lester at sinipa niya sa tyan yung lalaki at pinagsusuntok suntok niya sa mhuka,
"Lester tama na," sigaw ko, at lumapit ako sa kanya para ilayo siya sa lalaking sinuntok suntok niya,,
Nung nahila ko na si Lester ay, tumakbo na yung dalawang lalaking palayo,
"Tatakbo rin lang pala kayo eh, mga manyak kayo" sigaw niya dun sa dalawang lalaki
"Babalik kami, humanda kayo!!" sigaw nung isang lalaki at tumakbo ulit
"Babalik mga bakla" sabi ulit ni Lester
Ano ba tong lalaking to, pumapatol pa, isip bata, sabi ko sa isip ko
Pero nabigla ako sa ginawa ni Lester,,,
Hinarap ako ni Lester sa kanya at bigla niya nalang akong yinakap,
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin
Tumango nalang ako at yinakap ko na rin siya pabalik,,
Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko,,,
Maya-maya ay naghiwalay narin kami,
Tapos nakita ko yung pasa sa gilid ng labi niya
"Halika gamutin natin yang pasa mo " sabi ko sa kanya
Tumango nalang siya ,hinila ko na siya papasok sa resort,,,
Itutuloy,,,,,,,
BINABASA MO ANG
Dont Make Me Fall (COMPLETED)
RomancePano kung may nang yari sayo na hinding hindi mo nakakalimutan,na sobrang nasaktan at hindi mo na alam ang gagawin mo.. Paano kung naka move on kana.. At paano kung nang yari ulit sa pangalawang pagkakataon kakayanin mo pa ba? O gagawa ka na ng para...