ALLYSA'S POV
Nandito ako ngayon sa sala nanonood ng tv, nandito ako ngayon sa bahay nila Xyriel, ayaw ko munang umuwi sa bahay tinatamad ako,,si Xyriel ayon nagluluto ng breakfast namin , buti alam niyang magluto kung hindi nga nga kami ngayon,,,
Pagkalipas ng ilang minuto tinawag na ako ni Xyriel dahil luto na daw yung pagkain,
"Allysa halika sa dining room luto na yung breakfast natin" sigaw nya
"Oo, papunta na" sigaw ko rin pabalik
Pinatay ko muna yung t.v. at pumunta na ako sa dining room pagkadating ko dun umupo na agad ako sa tabi ni Xyriel at nagumpisa na kaming kumain,
XYRIEL'S POV
Nagtataka talaga ako dito kay Allysa bigla bigla nalang pupunta dito sa bahay at sasabihing mag-aabsent kami kung hindi ko lang to bestfriend baka nakikinig na ako ngayon sa lesson ng prof namin,
Mahalaga sa akin ang grade ko ayaw kong mahulog sa Dean Lister ,,
Itong si Allysa hindi naman ito umaabsent pero ngayon gusto niyang umabsent,
May sakit daw kasi sya pero sa itsura niya parang wala naman syang iniinda ang lakas pang kumain , dapat pag may sakit walang ganang kumain,, ngayon lang ako nakakita ng may sakit na ang lakas kumain, at saka kung may sakit siya dapat pinapunta niya nalang ako sa bahay nila.
Madaling araw pa lang nandito na agad sa bahay namin, nakakapagtaka talaga to, baka nagsisinungaling lang itong bruhang to,,
Pag nalaman kung nagsisinungaling ito hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sakanya,
Lumapit ako sa kanya , bigla siyang nagulat,
Kinapa ko yung noo at leeg niya kung mainit para papainumin ko siya ng gamot pero hindi naman siya mainit,,hmppp nagsisinungaling tong bruhang to sa akin,
"Hoy babae ka , hindi ka naman mainit sabi mo may sakit ka, nagsisinungaling ka sa akin noh" sabi ko sa kanya habang nakapamewang ako
"Uhm Xyriel let me explain" sabi niya na parang nagmamakaawa
"Allysa ano ba yan kailan kapa natutong magsinungaling dinadamay mo pa ako jan sa pinagaabsent mo" inis kong sabi sa kanya,
"X-Xyriel a-ano k-kasi e-eh" putol putol niyang sabi
"Can you just straight to the point Allysa" sigaw ko
"Ok ,fine" sabi sabay hinga ng malalim
Nagumpisa na siyang magkuwento nakikinig lang ako sa kanya habang nagkukuwento siya , kinukurot niya ako, pinapalo at sinasabunutan , eh pano naman kasi naiinis daw siya dun sa lalaki hindi niya napapansin sa akin niya na lahat binubuhos yung inis at galit niya dun sa lalaki,,
Gusto niyo bang malaman readers yung story?,,
(Miss Author: Hoy Xyriel sabihin mona wag kanang pasuspense suspense)
Eh pano kung ayaw ko and I Stuck my tounge out to miss author,
(Miss Author: Xyriel wag mo nga akong madila dilaan jan,sige ka pagdi mo sinabi ibababa ko yung grade mo, you want?)
Eto na Miss Author di mabiro, wag mo naman ibaba joke lang yun eh, sasabihin ko na hehehe,,
(Miss Author: Good Girl Xyriel)
Iblackmail ba naman ako,
Alang ala sa grade ,sasabihin ko na,,,,,,
Eto na readers, tssk,Parang ikukuwento ko nalang,, kunyari ako si Allysa
BINABASA MO ANG
Dont Make Me Fall (COMPLETED)
Lãng mạnPano kung may nang yari sayo na hinding hindi mo nakakalimutan,na sobrang nasaktan at hindi mo na alam ang gagawin mo.. Paano kung naka move on kana.. At paano kung nang yari ulit sa pangalawang pagkakataon kakayanin mo pa ba? O gagawa ka na ng para...