Chapter 4 ( EDITED)

1.5K 43 3
                                    


Habang naglalakad kami patungong cafeteria ay may bigla akong nakabangga.

Hindi ko napansin na nabangga ko siya kasi nakikipagtawan ako sa mga kaibigan ko .

"Ay sorry, kuya" sabi ko agad sa lalaki na nakabangga ko.
Yumuko ako para makita niyang sincere ako sa paghingi ng tawad.
Dahil alam kong ako yung may kasalanan.

Pag angat na ulo ko.

"IKAW!" "YOU! "

Sigaw ko at sigaw nya,,
Habang nakaturo ako sa kanya,

"Hindi kasi tumitingin sa daanan" sabi sa akin nung supladong lalaki

"Wow hah,humingi na nga ako ng tawad diba?" Sabi ko sa kanya sabay irap .

"Tssk" sabi nya sabay lakad paalis

Bwisit na lalaking yun napakasuplado humihingi na nga ng paumanhin eh.

"Girl ang gwapo nun ah" sabi ni Allysa

Sinulyapan ko siya ng at tinaasan siya ng kilay.

Halla basta pag-lalaki ang linaw ng mata.

"Gwen sino yun? Bakit kilala mo siya at kilala ka niya? " Tanong sa akin ni Xyriel na parang nagtataka.

"Siya yung lalaking suplado na kinuwento ko sa inyo" sabi ko sa kanilang dalawa

"ANO! " Sigaw nila sa akin

"Siya yung lalaki? Ang gwapo nya ah,
kaso na turn off na ako. Siya pala yung lalaking suplado eh" sabi ni Allysa

Himala ah, ngayon lang na turn-off sa gwapo si Allysa.

Nakapagtataka.

"Oo at ang suplado nga, nakasimangot eh" sang-ayon naman ni Xyriel

"Tara na nga pumunta na tayo sa cafeteria, pabayaan na natin ang lalaking yon" aya ko na sa kanilang dalawa.

Ayoko nangg pag-usapan ang lalaking wala namang kuwenta at tsaka nagugutom na rin ako .

"Let's go" sabi ni Allysa at Xyriel

Kaya naglakad na kami papuntang cafeteria.
Nung nakarating na kami pumunta na si Allysa at Xyriel umorder at ako naman ang naghanap ng table para sa amin, pagkatapos ng ilang minuto pumunta na si Allysa at Xyriel sa table namin na buhat buhat ang inorder nila,

At nag-umpisa na kaming kumain, habang kumakain kami ay binasag ni Allysa ang katahimikan

"Ang gwapo talaga nung lalaking yun, di ko talaga maisip na sya yung lalaking na encounter mo kanina" sabi ni Allysa

Tinignan ko lang siya ng masama.

At in-close niya naman yung lips niya na parang zini-zipper ito.

"Gwapo nga pero ang pangit naman ang ugali" dagdag ni Xyriel

"Tama ka Xyriel ,kung gaano ka gwapo ang mukha nung lalaking yun ganun rin kapangit yung ugali niya" sang-ayon ko agad kay Xyriel

Habang inis na sinubo yung pagkain ko.

Kabwisit talaga.

Pagkatapos nung sinabi ko ay wala nang umimik sa amin kahit isa, nagpatuloy nalang kami sa pagkain naming hanggang sa natapos kami.

Pagkatapos namin kumain ay nag-yayaan na kaming umuwi, nag sang ayunan na kaming tatlo dahil pagod na rin kaming lahat, kaya hinatid ko sila sa kanila kanilang bahay.

Minsan naiinis ako dahil mukha na akong driver dahil sa kanilang dalawa.
Ako taga hatid at taga sundo, minsan parang may topak rin ako kasi pumapayag naman ako. Ayos lang sa akin ang taga hatid at sundo nila basta sila ang kasama ko sa kotse, parang kapatid ko na rin silang dalawa.

Dont Make Me Fall (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon