Eto ako ngayon naglalakad mag isa,
eh pano naman kasi yung dalawang babaeng kaibigan ko ? iniwan ba naman talaga ako , di pa nila tinanong kung gusto kung sumama , makasarili talaga sila selfish sila, selfish.Nandito ako ngayon sa hallway nag lalakad.,,anong gagawin ko ? Saan ako pupunta? at tsaka wala pa akong kilala dito ,paano na yan?
Eh sundan ko kaya si Allysa sa paghahanap nya ng mga lalaking gwapo?.
Wag nalang pala, ko di ako sanay makisalamuha ng mga taong diko ka kilala at lalong lalo na sa mga lalaki ,
man hater kaya ako,Minsan nga nagagalit sa akin si Allysa kasi sinusungitan ko daw yung mga lalaking gwapong pinapakilala nya sa akin eh sa ayaw ko makisalamuha sa kanila.
Eh kung si Xyriel kaya puntahan ko?
Makigulo ako sa kanya sa library.
Huwag pala, baka makawawa yung mga pretty ears ko kung pupunta akobsa kanya para guluhin siya, ayaw na ayaw pa nun ginugulo pag nasa library.
Ggggrrr nafrufrustrate na ako!!!
Ang tagal pa kasi ng class eh,,
Nakakita ako ng bench sa gilid umupo nalang ako dun at tumunganga, nakakainis talaga yung dalawa.
Bahala sila di ko sila isasakay mamaya sa kotse ko, mag lakad sila bulong ko sa sarili ko.
Pagkatapos ng 986492034 seconds na pagtutunganga at pag mumuni muni.
Buti time na, sigurado akong nasa
classroom na yung dalawang yun block mates kaya kaming tatlo,,Basta bahala silang dalawa di ko sila bati di ko sila papansinin,,
Nagumpisa na akong maglakad papuntang class ko hanggang makadating ako sa destinasyon ko.
"Gwen ,here!" sigaw ni Allysa habang kuma-kaway kasama niya na rin si Xyriel
Pumunta ako sa tabi nila pero di ko sila pinansin at di na rin ako umimik,,
"Gwen san ka pumunta nung iniwan ka namin ni Allysa" tanong sa akin ni Xyriel
Di pa rin ako umimik.
Ayoko silang kausapin ,di ko sila bati .
Bakit kasi nila ako iniwan basta-basta,"Uy Gwen anong nangyayari sayo bakit ayaw mo kaming kausapin, di kami sanay pag ganyan ka" sabi sa akin ni Allysa na parang nagmamakaawa na rin,,
Di ko na napigilan ,,,nagsalita na ako,,
"Bakit? Sanay ba ako pagini-iwan niyo ako? Alam nyo na ngang hindi ako nakikisalamuha sa mga tao tapos iiwan iwan nyo lang ako? Wala pa nga akong kilala " sabi ko sa kanila na parang naiinis
"Sorry na Gwen , sorry kung naging selfish kami ,patawarin mo na kami please" sabi ni Allysa na magkadikit ang kamay niya
"Sorry rin Gwen ,promise di ka na namin iiwan, patawarin mo na kami" sabi rin ni Xyriel
Syempre di ko naman sila matitiis,,
"Sige pinapatawad ko na kayo, basta may kapalit" sabi ko na parang naghahamon
"Sige kahit ano" Allysa
"Ano ba yun?" Xyriel
"Libre nyo ako ng lunch, tag one week kayo" sabi ko sabay (smirk)
"Okay, basta bati na tayo ah" sabi ni Allysa
"Oo, basta wag ka nang mainis sa amin ah" sabi ni Xyriel
"Yes!!" sabi ko habang naka smile ng malaki
At bigla naman ng dumating ang prof namin,,,
"Good morning class" sabi ng prof
"Good morning Maam" sabi namin
"Okay class , magkakaroon kayo ng partner para sa project niyo, kayo ng bahala pumili. Magbibigay ako ng 10 minutes para makapili kayo" sabi ng prof namin
"Allysa partner tayo" sabi ko kay Allysa
"Ssorry girl partner ko na si Xyriel, hanap ka nalang ng iba" sabi nya sa akin habang naka kawit na ang kapay ni kay Xyriel
Tinignan ko si Xyriel nagpeace sign sya sa akin,
Galing talaga ni Allysa eh noh, alam niya kasing si Xyriel lang gagawa eh.
Pano na yan wala pa akong kilala dito
Pano ako makakahanap ng partner ko nito?.Syempre may pakielam pa naman ako sa grade ko kahit hindi ako masyadong matalino,ayoko kayang bumagsak.
Tumingin tingin ako sa mga iba kong classmates , meron na silang lahat kasama. Paano na yan?
Lumapit ako sa prof ko,,
"Sir paano na po yan? wala napo akong partner meron na po silang lahat"
Tapos may biglang pumasok sa classroom na lalaki . Wait ,,
Parang kilala ko na to si Mike yata to eh,, ay hindi Mack ,
hindi rin,,,
Ay naalala ko na Mark ,Mark pala yung pangalan nito,,," Ang pogi"
" Kunin ko nga number nito mamaya"
"Sure ako may abs tohh"
Yan lang naman ang naririning ko sa mga classmate ko nung pumasok si Mark sa classroom.
"Mr. Lozano why are you late?" tanong ng prof namin sa kanya
"Sorry sir, meron lang pong emergency" sabi niya na hindi tumitingin kay sir
"Ok Mr. Lozano pagbibigyan kita ngayon but pag may nangyari ulit pwedeng pakisabi mo muna sa akin " sabi ng prof namin
"Yes sir " sabi naman nya sabay lakad agad
"Mr. Lozano magiging mag-partner kayo ni Ms. Dominguez meron na kasi silang lahat at kayo nalang ang wala" sabi nang prof namin.
Tinignan lang ako ni Mark at tumingin siya kay prof at tumango dun tapos umalis na agad.
Wow ha, yun lang ? Ang suplado talaga
" Ms. Dominguez siya na ang iyong magiging partner " sabi sa akin ni prof
Tumango nalang ako at pumunta sa upuan ko,
"Ok class , dahil meron na lahat kayong partner ibibigay ko na sa inyo ang irereport nyo "
Kaya nagumpisa na si prof magbigay ng irereport namin,,,
"Hanggang friday lang yan kailangan niyong matapos yan as soon as possible dahil kung hindi wag na kayong umasang makakapasa kayo sa subject ko"
Ang stirkto naman nito ,hanggang friday? Eh ang dami kaya niyang binigay ,
first day palang meron na agad kaming report nakakainis naman to."Ok class that's all for today, dismiss" sabi ng prof namin namin kaya nag ayos na ako ng gamit ko at lumapit na ako kela Allysa at Xyriel dahil sabay kaming uuwi
"Lets go" sabi ni Allysa
Tumango nalang kami ni Xyriel habang naglalakad kami may bigla akong naisip,,
Halla pano ko sasabihin yung report namin kay Mark, nahihiya kaya ako tsaka gusto ko rin magpasalamat nung nangyari sa bar . Kahit bwisit na bwisit ako kay Mark alam ko parin mag thank you duh,
Baka kasi pag kinausap ko sya susupladohin nya naman ako , ayoko pa naman nang ganun,
baka pag di ako nakapagpigil lalabas yung pagkamataray ko at makakawawa lang sya sa akinHmmmp pag iisipan ko pa,
Mamaya ko nalang isipin yan sa bahay basta gusto ko ng umuwi dahil sobrang pagod na ako.Itutuloy,,,,
BINABASA MO ANG
Dont Make Me Fall (COMPLETED)
RomancePano kung may nang yari sayo na hinding hindi mo nakakalimutan,na sobrang nasaktan at hindi mo na alam ang gagawin mo.. Paano kung naka move on kana.. At paano kung nang yari ulit sa pangalawang pagkakataon kakayanin mo pa ba? O gagawa ka na ng para...