Nag-aayos ako ng gamit ko dahil tapos na ang klase namin,"Gwen bilisan mo naman ,ang bagal mo" sabi sa akin ni Xyriel
Aba itong babaeng to , iniwan na nga ako kanina siya pa ang may ganang magalit,
"Wait lang ,inaayos ko lang to eh" sabi ko
"Whatever" sabi niya sabay rolled ng eyes niya,
Bwisit na babaetang to ,highblood
may period siguro.Binilisan ko na ang pag-ayos baka magwala pa itong babaeng to,
Pagkatapos kung nag ayos ng gamit lumabas na kami ng room,
Habang naglalakad kami may biglang tinanong sa akin si Xyriel
"Anong nangyari sa inyo kanina sa cafeteria" tanong sa akin ni Xyriel
"Pake mo" sungit ko sa kanya, kanina ako sinusungitan mo ngayon ako naman,
"Uy sabihin mo na ,please" sabi niya habang pinagdikit niya yung palad niya
Ano ba tong babaeng to, kanina ang sungit sungit tapos ngayon namimilit.
Isa rin tong bipolar eh, kapareho niya lang si Mark
Tssskkk.
"Uy sabihin mo na ah" sabi nya ulit sabay hila niya sa damit ko
Dahil sa ayaw kong hinihila ang damit ko sinabi ko na sa kanya ang nangyari , baka kasi sa paghihila niya hubot hubad na ako mamaya,
Nung natapos kung sinabi sa kanya yung nangyari, halos mabingi ako sa sigaw niya
"Kkkyyaaahh!!!kinikilig ako" sigaw niya
Oo sigaw niya yun at hindi sigaw ng ibang studyante dito,
Kahit may pagka-ano siya sa mga lalaki , kinikilig rin itong babaeng to ,kahit palaging nagbabasa at grade lang ang iniisip niya,hay naku!
"Talaga? sinubuan ka nya,OH MHY GHOD! kinikilig ako sa inyong dalawa" sabi niya sa akin habang kinikilig
"Ano naman kung sinubuan niya ako at tsaka anong nakakakilig dun" tanong ko sa kanya habang nakakunot yung noo
"Yan kasi eh, ang bitter mo masyado ,"
"Huh? bitter ,sino?" tanong ko
"Ikaw" sagot niya
"Ako?" sabay turo ko sa sarili ko.
"Oo dahil lang nung nangyari sayo two years ago,"
"Wag na natin yan pag-usapan" sabat ko agad sa kanya
"Tssk fine, eto nalang bagay kayo ni Mark"
"Hindi noh at tsaka hindi niya ako type"
"Akala mo lang hindi ka niya type.
Bakit siya laging concern sayo, binilihan ka panga niya ng pagkain dahil ayaw ka niyang magutom" pag-exexplain niya"So?" sabi ko habang nakataas yung noo
"Kung nasaktan ka sa nangyari sayo two years ago, wag ka naman mang damay nang ibang tao at tsaka kailangan mo na ring mag move on, tulad nito pwede mong mahalin si Mark" seryosong sabi sa akin ni Xyriel
"Sa tingin mo ba madali" sabi ko
"Kaya ka nahihirapan kasi ,natatakot kang masaktan ulit, porket ba ginawa sa iyo yon ng Ex mo gagawin ulit sa iyo yon ni Mark?"
"Di ko alam"naguguluhang sagot ko
"Yan hindi mo alam, hindi mo alam kung masasaktan ka ulit o magiging masaya kana sa piling ni Mark.
Gwen hindi lahat ng lalaki pare-pareho" sagot pa ni Xyriel"Bakit ba parang ang dami mong alam jan sa love, eh hindi ka naman nag kaboyfriend . Bakit nagkaboyfriend ka na ba?" tanong ko kay Xyriel
"Uhm,hindi pa, nababasa ko lang sa libro" sagot niya
"Hay naku! Basta pag nasa libro ang dami mong alam" sabi ko nalang
"Basta eto lang ang masasabi ko sayo.
Please open your heart again to another guy because that is the easy way to let go and move on, keep that in your mind Gwen" sabi sa akin ni XyrielBigla nalang akong napatulala sa sinabi sa akin ni Xyriel,
Hindi na ako naka-imik.
"Gwen wag mo na akong ihatid may pupuntahan pa pala ako, see you tomorrow bye" sabay halik niya sa pisngi ko at umalis na siya.
Bumalik lang yung realidad sa akin nung nag paalam siya at humalik sa akin.
Naglakad lang ako palabas ng school papuntang parking lot,
Please open your heart again
Please open your heart again
Please open your heart again
Yan ang pumapasok at tumatakbo sa isip ko habang naglalakad ako papuntang parking lot.
Paulit-ulit bumabalik sa akin yung sinabi ni Xyriel,
Paano kung binuksan ko ulit yung puso ko para kay Mark?
Paano kung sinaktan niya ako ? hindi ko alam kung makakaya ko pang mag mahal ulit.
Mhy Ghod Nmbaguguluhan na ako,,,,,,
Nung nakarating na ako sa parking lot sumakay agad ako sa kotse ko at in-drive ko na papuntang bahay,
Maya-maya nakarating narin ako sa bahay namin,
Sinabi ko kay Mom na busog pa ako kaya umakyat na agad ako sa kwarto ko,
Si Dad alam ko namang nasa office na naman yun .
Nung nakarating na ako sa kwarto ko naligo na ako at nagpalit na nang damit at humiga na ako sa kama,
Hay ,ang daming nangyari ngayong araw ,pero ang mas malala yung pinagsabihan ako ni Xyriel,
Mhy Ghod hindi ko na alam ang gagawin ko!!!
A/N:
Hey guys malapit na pong matapos itong story sana suportahan nyo hanggang huli,Thank you
Comment and Vote!!!!
BINABASA MO ANG
Dont Make Me Fall (COMPLETED)
RomancePano kung may nang yari sayo na hinding hindi mo nakakalimutan,na sobrang nasaktan at hindi mo na alam ang gagawin mo.. Paano kung naka move on kana.. At paano kung nang yari ulit sa pangalawang pagkakataon kakayanin mo pa ba? O gagawa ka na ng para...