Sinusundan ko lang yung kalsada papuntang bayan dahil yun ang nakalagay sa mapa,ilang oras na rin akong naglalakad at umiinit na din ang layo pala ng bayan....tapos gutom na gutom na ako,hindi pa ako nakakain ng hapunan,umagahan at magtatanghali na...mamamatay ata ako sa gutom....
Nakarinig ako ng bumubusina sa likuran ko at sa tingin ko papuntang bayan to...
Kaya ginawa ko yung napapanud ko sa TV na ginagamit yung hinlalaking daliri kong saan papunta para makasakay,
Iho ,san punta mo?- tanong ng matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 60s na ang edad...
uhmmm,papunta po akong bayan,,,pwede po bang makisakay?- ako
tamang-tama iho,papunta akong bayan para ibenta yung mga prutas at gulay sa palengke at naghihintay na ang asawa't anak ko doon ngayon,sakay na- si lolo
salamat po...- pagpapasalamat ko
sumakay ako doon sa front seat na katabi ni lolo kasi wala namang nakasakay doon,buti naman ay hindi na ako mapapagod baka umitim ako ako saying naman yung kaputian ko....
Iho,ano nga palang pangalan mo?- tanong ni lolo
Kyler po- ako
Auh so saan ka galing?bakit ikaw lang mag-isa?alam mo bang nakakatakot ang parte ng gubat na yon dahil maraming kababalaghan ang nangyayari doon?- si lolo
Anong sasabihin ko?pagsinabi kong doon ako galing baka matakot siya sa akin at pababain ako ,mukhang malayo pa naman ang bayan at tirik na tirik na din ang Araw....
Ah-eh nag-out of town po kasi kami ng mga barkada ko tapos napagtripan nila akong iwan pati pera ko kinuha nila,kaya Eto ako ngayon nagsusumikap na makauwi ,tapos d din ako makatawag sa amin kasi dala nila cellphone ko at hindi ko memorize cp# nila....Wala pa nga akong kinakain simula kagabi- tapos umakting akong galit na galit sa mga barkada ko....
kawawa ka naman Mr. Kyler ,pwede bang Mr. Kyler na lang itawag ko sa'yo?- Tanong ni lolo
Tumango ako bilang pagsang-ayon,ang cool eh...
sa susunod wag kang magtitiwala sa kahit na sino dahil ikaw din ang mapapahamak sabi nga nila "Your Bestfriend is your Greatest Enemy"- lolo
Dahil po ba na ang bestfriend mo ang nakakaalam ng sikreto mo at kaya niyang ibulgar lahat kung gugustuhin niya? O kapag nag-away kayo at sa pagkakataong iyon isa siyang pekeng kaibigan at kaibigan lang pag may kailangan?- sagot ko kay lolo
Tama ka Mr. Kyler , matalino ka pero hindi pa rin sapat yon?- lolo
Bakit po?- tanong ko
Dahil ang totoong ibig sabihin ng kasabihang Your Bestfriend is your Greatest Enemy ay sa oras na mawalan kayo ng tiwala sa isa't isa bilang magkaibigan hindi na nun maibabalik pa ang tiwalang nasira at para kayong aso't pusa kung mag-away at kailanman ay hindi na magkakasundo,kayong magkaibigan din ang mapapahamak dahil hindi niyo alam na sinisiraan na pala kayo ng ibang tao - Lolo
wow!si lolo may hinuhugatan siguro to...
Auh,ganun po ba?- ako
Oo,oh kainin mo na lang tong baon kasi gutom na gutom ka na ata- si lolo
ah-eh,hindi po ba't nakakahiya naman po,nakikisakay na nga po ako makikikain pa ako- ako
wag ka nang mahiya,alam mo bang ang paggawa ng mabuti ay nakalulugod sa sarili- si lolo
Oo nga po pero paano po makakain yung asawa't anak mo kung kakainin ko to,mukhang para sa kanila pa naman to- ako
haha,believe na ako sa yong bata ka pero bibili na lang ako mamaya para may makain sila- si Lolo
huh sige po,kayo pong bahala,- ako
Habang kumakain ako napaisip ako kung bakit ganito kaspecial at kamahal itong pagkain nila,,diba nga Vendor lang sila?ahhh,tsk!hayaan na nga kakain na nga lang ako,ang sarap eh Korean style food...
Sa sobrang katakawan kong kumain naririnig kong tumatawa si lolo at inabot sa akin yung mineral water na hindi pa nabubuksan...
ubusin mo yan iho para lumakas ka dahil malapit na tayo sa bayan- si lolo
------
Hope na may nagsusupport ng story ko....Thank you
YOU ARE READING
Ace Academy:The Long lost Prince of Axle Kingdom
VampireTHERE IS SOMETHING THAT IS MORE SCARCE, SOMETHING RARER THAN ABILITY. IT IS THE ABILITY TO RECOGNIZE ABILITY. this is a story of a boy who entered in a mystery school(ACE ACADEMY) full of mysteries and special people they call. What will happened? W...